Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Zamboanga School Shooting Spurs Gatchalian to Renew Push for Social Media Ban for Minors

In the wake of a school shooting incident in Zamboanga City, Senate President Win Gatchalian reiterated his push to ban social media for minors below 16 years old. 

Gatchalian flagged how the shooting incident was live streamed for countless viewers to see and repost, which caused distress to social media users. Aside from causing distress, Gatchalian warned that the livestreaming and sharing of the shooting incident’s clips, including other graphic materials, risk normalizing violence among viewers, especially the youth. 

“Patuloy nating isinusulong ang social media ban para sa mga menor de edad upang itaguyod ang kanilang kaligtasan at kapakanan. Hindi na natin maaaring hayaan na manaig ang pinsala ng social media at ang impluwensiya nito upang itulak sa karahasan ang ating mga kabataan,” he said. 

Gatchalian’s proposed social media ban for minors below 16 years old is outlined in the Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066). The proposed measure also mandates social media platforms to implement safeguards such as age and identity verification systems, measures to prevent the circumvention of age restrictions, and prompt reporting and response mechanisms for underage access, among others. 


Pamamaril sa Paaralan sa Zamboanga Nag-Udyok kay Gatchalian na Muling Isulong ang ‘Social Media Ban’ sa mga Menor De Edad 

Kasunod ng insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City, muling iginiit ni Senate President Win Gatchalian ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga menor de edad na wala pang 16 taong gulang.

Binigyang-diin ni Gatchalian na na-livestream ang insidente, napanood at nai-repost ng maraming tao, bagay na ikinabahala ng mga social media users na nakapanood nito. Bukod dito, nagbabala siyang ang pag-livestream at pagshare ng ganitong mga insidente ng pamamaril, pati na rin ang mga itinuturing na graphic materials, ay maaaring magdulot ng kaisipang normal ang ganitong mga pangyayari, lalo na sa mga kabataan. 

“Patuloy nating isinusulong ang social media ban para sa mga menor de edad upang itaguyod ang kanilang kaligtasan at kapakanan. Hindi na natin maaaring hayaan na manaig ang pinsala ng social media at ang impluwensiya nito upang itulak sa karahasan ang ating mga kabataan,” ani Gatchalian.

Nakapaloob sa inihain ni Gatchalian na Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066) ang panukalang ipagbawal ang social media para sa mga menor de edad na wala pang 16 taong gulang. Inaatasan din ng panukalang batas ang mga social media platform na magpatupad ng safeguards tulad ng age and identity verification systems, mga hakbang para  maiwasan ang pag-iwas sa mga limitasyon batay sa edad, maayos na mekanismo para sa pag-ulat at mabilis na pag-responde para sa underage access, at iba pa. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN