Win Tayong Lahat
WIN sa tulong
Walang humpay na hangaring makapaglaan ng oras at matutukan ang mga kababayang nangangailangan ng tulong pang medikal, pinansyal at para sa edukasyon.

Scholarship Assistance
Kailangan mo ba at kuwalipikado ka ba para sa tulong pang-edukasyon?
Learn more

Medical Assistance

- Liham ng kahilingan o request letter para kay Senador Win Gatchalian, kalakip ang iyong contact number.
- Orihinal na kopya ng Barangay Certificate for Indigence kung saan nakasaad ang dahilan ng paghingi ng tulong medikal.
- Sertipikadong kopya o Certified True Copy ng (a) medical abstract, (b) preskripsyon ng doktor (c) costing para sa mga laboratory procedures at (d) iba pang medikal na pangangailangan.
- Photocopy ng government-issued/school ID/ at katibayan ng kapanganakan ng pasyente at ng humihingi ng tulong medikal.
- Liham ng pagpapahintulot o authorization letter at/o Special Power of Attorney (SPA) mula sa pasyente kung ang humihingi ay kamag-anak o kakilala ng nangangailangan.
Ang Guarantee Letters (GL) at/o tulong pinansiyal ay ibibigay lamang base sa mga sumusunod na kaso:
- Mga pasyenteng naka-confine sa isang pasilidad pangkalusugan.
- Mga pasyenteng nangangailangan ng agaran o urgent na atensiyong medikal, o mga paseyenteng isasailalim sa operasyon tulad ng cancer treatment, blood transfusion, transplant, therapy, at iba pa.
- Mga pasyenteng nakatanggap ng health care management at nangangailangan ng tuluy-tuloy na gamutan o laboratory tests.Lahat ng request para sa tulong medikal ay isusumite sa DOH para sa guarantee letter (GL) at kailangang magsaad ng lahat ng uri ng tulong na kailangan:
- Bayarin sa ospital
- Mga gamot
- Laboratory (2D Echo, CT Scan, MRI, Bone Scan, Ultrasound, Biopsy, Etc.,)
- Chemotherapy
- Dialysis Treatment
- Operasyon/Surgery/Transplant
- Pagsalin ng dugo
- Therapy
- Iba pa
Ang mga request na kumpleto sa kaukulang dokumento ay isusumite tuwing Lunes, 9:00 AM hanggang 3:00 ng hapon sa Public Assistance Center (PAC) sa Senate of the Philippines Compound.
Makakatanggap ang pasyente ng pabatid o notification sa pamamagitan ng text advisory kapag ang GL ay maaari nang kunin. Ang release ng GL ay naka-schedule tuwing Huwebes mula 2:00 to 5:00 ng hapon.
Dapat sagutan ng pasyente o ng claimant ang constituent information form para sa mailagay sa constituent database. Kailangan nilang lagdaan ang acknowledgement receipt kapag natanggap na ang GL.
Isang GL lamang ang ibibigay kada-3 buwan para sa pasyente. Ipinagbabawal ang pag-hingi ng maraming request.
Ang mga request mula sa mga pasyenteng sumasailalim sa gamutan ng isang pribado/non-government na ospital ay ipapadala sa DSWD (NCR, Region 4A, Bulacan, Pampanga) para sa guarantee letter or tulong pinansiyal. Lahat ng ito’y daraan sa masusing panunuri batay na rin sa patnubay o guidelines ng DSWD at sa pag-apruba ng mga awtoridad nito. Ang mga kliyente ay kailangang maglahad ng mga orihinal na dokumento sa oras ng panayam sa DSWD office.
Ang polisiyang ito ng pagbigay ng tulong medikal ay maaaring magbago nang walang kaukulang pabatid at kailangang maaprubahan ng Senador bago maipatupad.
Contact us
The office is open from Monday to Thursday. Please be advised that all inquiries and messages received on Friday will be attended to on Monday of the following week.