Win Tayong Lahat
WIN sa tulong
Walang humpay na hangaring makapaglaan ng oras at matutukan ang mga kababayang nangangailangan ng tulong pang medikal, pinansyal at para sa edukasyon.
Scholarship Assistance
Kailangan mo ba at kuwalipikado ka ba para sa tulong pang-edukasyon?
Learn moreScholarship Assistance
Ang yunit ng Constituent Services ay tatanggap ng mga kahilingan para sa tulong pang-edukasyon, susuri sa mga aplikasyon na may kalakip na mga kumpletong kaukulang dokumento, at mag-aasikaso sa mga referral o endorsement ng mga kwalipikadong mag-aaral sa Commission on Higher Education (CHED) para sa akademikong taon na 2022-2023.
Para sa tulong pang-edukasyon, magpasa ng mga sumusunod na kaukulang dokumento. Ang mga dokumentong kulang ay hindi isusumite sa CHED:
- Liham ng kahilingan o request letter para kay Senador Win Gatchalian.
- Nasagutang CHED StuFAP form.
- Orihinal na kopya ng Barangay Certificate for Indigency kung saan nakasaad ang dahilan ng paghingi ng scholarship o tulong pang-edukasyon.
- Nasagutang CHED StuFAPs application form kalakip ang pinakabagong 2×2 ID photo ng aplikante.
- Sertipikadong kopya o photocopy ng mga school records—(a) pinakabagong class cards o sertipikasyon ng marka/report card mula sa mataas na paaralan para sa ikatlong taon at mga marka ng unang tatlong markahan para sa ikaapat na taon; (b) registration o enrolment form; (c) katibayan ng kagandahang asal mula sa guidance counselor; at (d) identification card (ID).
- Pinakabagong Income Tax Return (ITR), Sertipiko ng Tax Exemption, o kopya ng kontrata o pagpapatunay ng kita o proof of income ng iyong mga magulang mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
- Pinakabagong 2×2 ID photo.
Ang listahan ng mga pangalan ng mga mag-aaral /aplikante mula sa Metro Manila at mga probinsiya na nagpasa ng kanilang mga aplikasyon sa pamamagitan ng sulatroniko o email at courier ay ipapadala sa kani-kanilang CHED Regional Office. Ang lahat ng aplikasyon na mayroong kalakip na kumpletong dokumento ay diretsong isusumite sa CHED RO mula ika-1 ng Pebrero hanggang ika-30 ng Abril lamang. Ang pabatid ng karangalan o notice of award para sa mga kwalipikadong mag-aaral ay magmumula sa CHED RO at ipamamahagi sa grantees para sa pagkumpleto ng kanilang registration form/sertipiko ng enrolment. Ang tulong pang-edukasyon ay maaaring kunin ng mga grantees sa CHED Central/RO.
Para sa ikalawang semestre, ang mga grantees ay kailangang magpasa ng pinakabagong sertipikasyon ng mga marka at registration form/sertipiko ng enrolment upang kanilang makuha ang tulong pang-edukasyon.Ang nasabing tulong pang-edukasyon ay maari lamang i-avail para sa isang akademikong taon na may dalawang semester. Maaaring magpasa ng bagong aplikasyon para sa susunod na taon.
Ang polisiyang ito ng referral of application para sa mga scholarship/tulong pang-edukasyon sa CHED ay maaaring magbago nang walang kaukulang pabatid at kailangang maaprubahan ng Senador bago maipatupad. Ang nasabing referral o liham ng pag-endorso sa CHED ay hindi nangangahulugan ng kasiguraduhan sa pag-avail ng scholarship o tulong pang-edukasyon. Lahat ng aplikasyon ay dadaan sa masusing panunuri ng CHED batay na rin sa patnubay o guidelines nito at sa pag-apruba ng mga awtoridad.
Contact us
The office is open from Monday to Thursday. Please be advised that all inquiries and messages received on Friday will be attended to on Monday of the following week.