Una sa lahat, taus-puso akong nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagkakataong makapaglingkod muli sa sambayanang Pilipino.
Nagpapasalamat ako sa tiwala ng aking mga kasamahan sa Senado. Tinatanggap ko ang tungkuling ito nang buong puso, dala ang malinaw na kamalayan sa bigat ng responsibilidad para sa Senado at sa bansa.
Sa aking mga kasamahan sa Senado—Majority man o Minority, inaabot ko ang aking kamay. Matitinding pagsubok ang hinarap ng institusyong ito nitong mga nakaraang linggo, ngunit napatunayan nitong kaya nitong magpatuloy at bumangon.
Sa sambayanang Pilipino na patuloy na dumaranas ng pagtaas ng presyo at araw-araw na hirap: naririnig namin kayo. Mula ngayon, muli nating itinataguyod ang ating pangunahing mandato—public service, walang labis at walang kulang.
Ang Senado ng Pilipinas ay higit sa sinuman sa atin. Ibabalik natin ang dignidad ng institusyong ito sa pamamagitan ng ating mga gawa, hindi sa salita.
Magsimula na tayo. Trabaho, hindi pulitika.
Maraming salamat at pagpalain nawa tayo ng Diyos.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN