Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Nutrition Month: Gatchalian Urges LGUs to Step Up Fight Against Rising Child Stunting

Amidst the celebration of National Nutrition Month, Senate President Win Gatchalian reiterated his call to mobilize local government units in addressing the rise of stunting rates among Filipino children.

Gatchalian’s call is consistent with the Early Childhood Care and Development System Act (Republic Act No. 12199), which mandates LGUs to implement ECCD programs and services, including those related to childhood nutrition.

Citing data from the Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) noted the country’s first increase in the stunting rate since 2015.

The country’s stunting rate steadily declined from 33.4% in 2015 to a record low of 23.6% in 2023. However, it rose to 25.3% in 2025, up 1.7 percentage points from 2023. Meaning, roughly one in four Filipino children under five is stunted.

“Sa paglaban sa malnutrisyon, mahalaga ang papel ng ating mga komunidad, lalo na ang mga LGU, dahil sila ang pinakamalapit sa mga batang kailangang maabot at matulungan,” Gatchalian said.

The 2026 national budget earmarks P25.6 billion for the DepEd School-Based Feeding Program and P9.26 billion for the DSWD Supplementary Feeding Program.


Nutrition Month: Pakikilahok ng LGUs sa Pagsugpo sa Malnutrisyon Isinusulong ni Gatchalian

Sa gitna ng pagdiriwang ng National Nutrition Month, muling binigyang-diin ni Senate President Win Gatchalian ang kanyang panawagang paigtingin ang pagkilos ng mga local government units (LGUs) para tugunan ang pagtaas ng ‘stunting rates’, o pagkabansot dahil sa kakulangan ng nutrisyon, ng mga batang Pilipino.

Naaayon ang panawagan ni Gatchalian sa Early Childhood Care and Development System Act (Republic Act No. 12199), na nagbibigay ng mandato sa mga LGUs na magpatupad ng ECCD programs and services, kabilang iyong mga may kinalaman sa nutrisyon ng mga bata.

Gamit ang datos ng Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), pinuna ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ang unang pagtaas ng stunting rate mula noong 2015.

Bumaba nang tuloy-tuloy ang stunting rate mula 33.4% noong 2015 hanggang sa umabot it sa 23.6% noong 2023. Gayunman, tumaas ito sa 25.3% noong 2025, mas mataas ng 1.7% mula sa naitala noong 2023. Ibig sabihin, halos isa sa apat na batang Pilipino na wala pang limang taong gulang ang tinaguriang stunted.

“Sa paglaban sa malnutrisyon, mahalaga ang papel ng ating mga komunidad, ang mga LGU, dahil sila ang pinakamalapit sa mga batang kailangang maabot at matulungan,” ani Gatchalian.

Naglaan ang 2026 national budget ng P25.6 billion para sa DepEd School-Based Feeding Program at P9.26 billion para sa DSWD Supplementary Feeding Program.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN