Amid the celebration of National Women’s Month, Senator Win Gatchalian called for interventions that will ensure learning continuity and nutritional support for teenage mothers.
Gatchalian pointed out that out of the P25.6 billion allocated for the School-Based Feeding Program, P369 million is allotted to provide nutritional support to at least 140,000 nutritionally at-risk pregnant adolescents enrolled in public schools.
“Mahalagang mabigyan natin ng pagkakataon ang mga batang ina na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para hindi sila tuluyang mawalan ng pag-asa sa mas magandang kinabukasan. Bahagi ng suportang dapat nating ibigay sa kanila ang pagtiyak sa kanilang nutrisyon at ang paglalatag ng matibay na pundasyon para sa kinabukasan ng kanilang mga anak,” said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Finance.
Gatchalian pointed out that supporting malnourished teenage mothers will also help combat stunting, which affects 26.7% of Filipino children under five years old.
The senator added that teenage mothers who cannot enroll in the formal school system can be Alternative Learning System (ALS) learners. For out-of-school children in special cases and adult learners, including those who belong to other marginalized sectors, the ALS provides a second chance to education and an equivalent pathway to complete basic education.
Panawagan ni Gatchalian: Tuloy-tuloy na Edukasyon, Suportang Pang-Nutrisyon para sa mga Batang Ina
Sa gitna ng pagdiriwang ng National Women’s Month, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mga hakbang upang matiyak ang tuloy-tuloy na edukasyon at suportang pang-nutrisyon para sa mga batang ina.
Binigyang diin ni Gatchalian na sa P25.6 bilyong pondo ng School-Based Feeding Program, P369 milyon ang inilaan para suportahan ang hindi bababa sa 140,000 na mga batang inang may kakulangan sa nutrisyon. Saklaw ng naturang pondo ang mga batang inang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan.
“Mahalagang mabigyan natin ng pagkakataon ang mga batang ina na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para hindi sila tuluyang mawalan ng pag-asa sa mas magandang kinabukasan. Bahagi ng suportang dapat nating ibigay sa kanila ang pagtiyak sa kanilang nutrisyon at ang paglalatag ng matibay na pundasyon para sa kinabukasan ng kanilang mga anak,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.
Ayon kay Gatchalian, ang suporta para sa mga batang inang humaharap sa malnutrisyon ay isang paraan para masugpo ang stunting na nakakaapekto sa 26.7% ng mga batang Pilipinong wala pang limang taong gulang.
Para naman sa mga batang inang hindi makapasok sa pormal na sistema ng edukasyon, isinusulong ni Gatchalian ang Alternative Learning System (ALS). Para sa mga out-of-school children in special cases at mga nakatatandang mag-aaral, kabilang ang iba pang mga nagmula sa mga marginalized sectors, nagbibigay ang ALS ng pangalawang pagkakataon upang makapagtapos sila ng pag-aaral.
# # #
