Following the signing of the implementing rules and regulations (IRR) of the Early Childhood Care and Development System Act (Republic Act No. 12199), Senate President Win Gatchalian is seeking the immediate mobilization of local government units to roll out the programs and services mandated by the law.
The law, which Gatchalian authored and sponsored, seeks to achieve universal access to early childhood care and development (ECCD) for children below five years of age to strengthen their foundation for learning. It also provides that LGUs will have the responsibility of implementing ECCD programs and services, including those related to nutrition.
Gatchalian emphasized the urgency of implementing ECCD programs and services to address the country’s education crisis. Recent data from the DOST-Food and Nutrition Research Institute shows that one in four children below five years of age are stunted.
“Mahalaga ang agarang pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa ECCD dahil nakasalalay dito ang pagkakaroon ng matatag na pundasyon ng ating mga kabataan. Kailangang pakilusin at suportahan natin ang ating mga LGUs upang maihatid nila ang mga programa at serbisyong kailangan ng mga batang wala pang limang taong gulang,” said Gatchalian.
IRR ng ECCD Law Nilagdaan; Gatchalian Nanawagang Pakilusin ang LGUs para sa Pagpapatupad ng mga Reporma
Kasunod ng paglagda sa implementing rules and regulations (IRR) ng Early Childhood Care and Development System Act (Republic Act No. 12199), nanawagan si Senate President Win Gatchalian para sa agarang pagpapakilos sa mga local government units (LGUs) upang maipatupad ang mga programa at serbisyong itinatakda ng batas.
Layon ng batas na makamit ang universal access sa early childhood care and development (ECCD) para sa mga batang wala pang limang taong gulang upang patatagin ang kanilang pundasyon para sa edukasyon. Itinatakda rin nito na responsibilidad ng mga LGUs ang pagpapatupad ng ECCD programs and services, kabilang ang mga may kaugnayan sa nutrisyon.
Binigyang-diin ni Gatchalian ang agarang pangangailangang ipatupad ang ECCD programs and services upang matugunan ang education crisis sa bansa. Matatandaang batay sa pinakahuling datos mula sa DOST-Food and Nutrition Research Institute, isa sa bawat apat na batang wala pang limang taong gulang ang itinuturing na ‘stunted’ o hindi umabot sa inaasahang tangkad para sa kanyang edad dahil sa hindi sapat na nutrisyon o hindi maayos na paglaki.
“Mahalaga ang agarang pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa ECCD dahil nakasalalay dito ang pagkakaroon ng matatag na pundasyon ng ating mga kabataan. Kailangang pakilusin at suportahan natin ang ating mga LGU upang maihatid nila ang mga programa at serbisyong kailangan ng mga batang wala pang limang taong gulang,” pahayag ni Gatchalian na may akda at sponsor ng naturang batas.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN