Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Grade 9 Student Stabbed in San Carlos City; Gatchalian Sounds Alarm on Chronic Violence in Schools

“Hindi pa tapos magluksa ang bansa sa trahedyang naganap sa Lungsod ng Tacloban, ngayon nabalitaan natin ang isa na namang insidente ng karahasan kung saan sinaksak ang isang mag-aaral ng Grade 9 mula sa Julio Ledesma National High School sa Lungsod ng San Carlos, Negros Occidental.

Isa nang krisis na maituturing ang pagpapatuloy ng karahasan sa ating mga paaralan. Hindi natin papayagang maging normal ang ganitong uri ng mga insidente. Kaya naman maghahain tayo ng resolusyon upang masuri natin ang bigat ng suliranin at matukoy natin ang mga solusyon para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral sa mga paaralan. “

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN