Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Wants Urgent Timeline for Ad Hoc Committee Hearings on Mideast Crisis Impact

Senator Win Gatchalian wants an accelerated timeline for the Senate’s ad hoc committee hearings to address the escalating impact of the Middle East conflict on the local economy.

As chair of the Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee, Gatchalian underscored the urgency of delivering results, targeting a comprehensive contingency framework within one to two weeks. “Ang timeline namin dito hopefully mga one or two weeks kasi may sense of urgency,” said the senator, who also heads the Senate Committee on Finance.

According to Gatchalian, PROTECT was formed as the Senate’s proactive measure in the face of multi-faceted challenges besetting the country amid the aggravating situation in the Middle East. 

He said the panel is already undertaking scenario-building, including a worst-case projection where the conflict extends for up to six months and oil prices surge to $200 per barrel. In such a scenario or at any point of the conflict, the country should be ready to implement an appropriate and targeted contingency plan, he said.

“Wala kasi tayong control sa nangyayari sa labas ng bansa, pero ang mahalaga ay handa tayo,” he stressed. 


Gatchalian Nais ng Agarang Timeline para sa mga Pagdinig ng Ad Hoc Committee sa Epekto ng Krisis sa Gitnang Silangan

Nais ni Senador Win Gatchalian ng mabilis na timeline para sa mga pagdinig ng ad hoc committee ng Senado upang tugunan ang lumalalang epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan sa lokal na ekonomiya.

Bilang chairman ng ad hoc committee o tinawag na Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee, binigyang-diin ni Gatchalian ang agarang pangangailangang makapaglatag ng mga kongkretong resulta, na may target na makabuo ng komprehensibong contingency framework sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. “Ang timeline namin dito hopefully mga one or two weeks kasi may sense of urgency,” ayon sa senador, na siya ring namumuno sa Senate Committee on Finance.

Ayon kay Gatchalian, binuo ang PROTECT bilang proactive na hakbang ng Senado kasunod ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng bansa dulot ng lumalalang sitwasyon sa Gitnang Silangan.

Aniya, nagsasagawa na ang panel ng scenario-building, kabilang ang worst-case projection kung saan maaaring tumagal ng hanggang anim na buwan ang sigalot at umabot sa $200 kada bariles ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Sa ganitong sitwasyon, o sa anumang yugto ng sigalot, dapat handa ang bansa na magpatupad ng angkop at target na contingency plan, sambit ng senador. 

“Wala kasi tayong control sa nangyayari sa labas ng bansa, pero ang mahalaga ay handa tayo,” pagdidiin niya. 

# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN