Senator Win Gatchalian reaffirmed his strong support to strengthen the country’s irrigation systems, stressing that allocating sufficient funding is crucial to boosting farmers’ agricultural productivity and ensuring long-term food security.
The Senate Finance Committee Chairperson has been visiting sites to review initiatives in the pipeline ahead of deliberations for the 2027 budget. He recently inspected the Balog-Balog Multi-Purpose Phase II Project in Tarlac, a legacy project of the National Irrigation Administration (NIA) designed to irrigate 34,000 hectares and benefit 21,000 farmers. The project also features flood control and a power component, ensuring a reliable water supply even during dry months.
The P18-billion project – which began many years ago and is slated for completion by March 2029 – has only P641,671,000 allocated for this year under the General Appropriations Act, which NIA and other stakeholders say is far from sufficient.
‘Sa site visits nakikita natin ang kahalagahan ng ganitong mga proyekto. Ngayon at naririnig natin ang hinaing ng mga tao, sisiguraduhin ko na hindi matatanggal ang budget para sa proyektong pang-irigasyon, bagkus, madadagdagan pa,” Gatchalian said.
“Gusto natin ang win-win solution. Panalo ang mga magsasaka, panalo ang mga komunidad, panalo ang ating food security,” he added.
Gatchalian Nangako ng Suportang Pinansyal Para sa Irigasyon Para sa mga Magsasaka, Seguridad sa Pagkain
Muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang kanyang matibay na suporta sa pagpapalakas ng mga irigasyon sa bansa, at binigyang-diin na mahalaga ang sapat na pondo upang mapataas ang productivity ng mga magsasaka at matiyak ang pangmatagalang seguridad sa pagkain.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Finance, patuloy ang kanyang pag-iikot upang bisitahin ang mga isinasagawang proyekto nang sa gayon ay masuri ang mga it bago ang deliberasyon para sa 2027 national budget. Kamakailan lang ay binisita ng senador ang Balog-Balog Multi-Purpose Phase II Project sa Tarlac, isang legacy project ng National Irrigation Administration (NIA) na layong magbigay ng irigasyon sa 34,000 ektarya ng lupa at mapapakinabangan ng 21,000 magsasaka. Ang proyekto ay mayroon ding flood control at power component upang matiyak ang maaasahang suplay ng tubig kahit sa panahon ng tagtuyot.
Ang proyektong nagkakahalaga ng P18 bilyon – na sinimulan maraming taon na ang nakalipas at nakatakdang matapos sa Marso 2029 – ay nabigyan lamang ng pondong P641,671,000 ngayong taon sa ilalim ng General Appropriations Act. Ayon sa NIA at iba pang stakeholders, malayong hindi sapat ang naturang pondo upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng proyekto.
“Sa site visits, nakikita natin ang kahalagahan ng ganitong mga proyekto. Ngayon at naririnig natin ang hinaing ng mga tao, sisiguraduhin ko na hindi matatanggal ang budget para sa proyektong pang-irigasyon, bagkus, madadagdagan pa,” ani Gatchalian.
“Gusto natin ang win-win solution. Panalo ang mga magsasaka, panalo ang mga komunidad, panalo ang ating food security,” dagdag pa niya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN