Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian urges stronger community, police ties to protect schools 

Senate President Win Gatchalian called for stronger ties between school communities and police authorities following a spate of threats directed at universities.

“Sa gitna ng kabi-kabilang banta sa kaligtasan ng ating mga paaralan, mahalagang paigtingin natin ang pakikilahok ng ating mga komunidad sa pagpapatatag ng seguridad ng ating mga paaralan. Makakamit natin ito sa pamamagitan ng Comprehensive School Safety Act na inaprubahan natin sa Senado,” Gatchalian said. 

The Senate President’s call follows the National Capital Region Police Office’s (NCRPO) move to increase bomb threat awareness in Metro Manila’s schools after several universities in Metro Manila received bomb threats.

Once enacted into law, the Senate-approved school safety bill, which was authored and co-sponsored by Gatchalian, would strengthen the participation of community stakeholders, local government units, and the Philippine National Police (PNP) for safer schools.

Specifically, the Department of Education (DepEd) will be collaborating with LGUs and the PNP in establishing, maintaining and regularly updating a national school safety framework.

The PNP will have the task of assisting schools in maintaining campus security while LGUs will be responsible in supporting the implementation of school safety programs. “Importante na masiguro natin ang kaligtasan ng ating mga estudyante para maging maayos ang kanilang pag-aaral at hindi nagagambala,” he added.


Para sa mas ligtas na mga paaralan: maigting na pakikipag-ugnayan sa mga komunidad at pulis, isinusulong ni Gatchalian

Isinusulong ni Senate President Win Gatchalian ang mas maigting na ugnayan sa pagitan ng mga paaralan at pulisya matapos ang sunud-sunod na bantang natanggap ng ilang unibersidad.

“Sa gitna ng kabi-kabilang banta sa kaligtasan ng ating mga paaralan, mahalagang paigtingin natin ang pakikilahok ng ating mga komunidad sa pagpapatatag ng seguridad ng ating mga paaralan. Makakamit natin ito sa pamamagitan ng Comprehensive School Safety Act na inaprubahan natin sa Senado,” pahayag ni Gatchalian.

Kasunod ito ng hakbang ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na palawakin ang kaalaman ng mga paaralan sa Metro Manila hinggil sa mga bomb threat. Matatandaang nakatanggap ng ganitong mga banta ang ilang unibersidad sa rehiyon.

Sa ilalim ng Comprehensive School Safety Act na inaprubahan ng Senado, palalakasin ang pakikilahok ng mga community stakeholder, local government unit (LGU), at Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan ng mga paaralan. Isa si Gatchalian sa mga may-akda at co-sponsor ng panukalang batas.

Kapag naisabatas, makikipagtulungan ang Department of Education (DepEd) sa mga LGU, PNP, at iba pang mga ahensya upang bumuo, magpatupad, at regular na mag-update ng national school safety framework.

Aatasan din ang PNP na tumulong sa pagpapanatili ng seguridad sa mga paaralan, habang susuporta naman ang mga LGU sa pagpapatupad ng mga school safety program.

“Importante na masiguro natin ang kaligtasan ng ating mga estudyante para maging maayos ang kanilang pag-aaral at hindi nagagambala,” dagdag ni Gatchalian.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN