Senator Win Gatchalian is pushing to expand financial aid beyond Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries to include near-poor households hit by eroding purchasing power amid rising fuel-driven inflation.
Gatchalian proposed that 4Ps families, estimated at 4.4 million families, be given P1,500 per month for 3 months, which would cost the government P19.8 billion. He also proposed providing P2,500 in financial assistance to around 1.32 million near-poor families — based on an assumed 30% expansion of the current beneficiary base — which would cost the government an additional P9.9 billion.
“The most important problem that we need to address is ensuring that those who are already poor do not become even poorer. And those who are ‘near-poor’ don’t fall into poverty. We need to make sure that our vulnerable constituents are provided protection at this point,” Gatchalian emphasized at a public hearing conducted by the Senate PROTECT ad hoc committee, which he chairs.
The Senate panel estimates that the 4.1% inflation spike last March cut poor households’ monthly purchasing power by up to P568, while low-income or near poor households lost P569 to P1,137. If inflation climbs to 4.6%–5.5%, losses could worsen to P638–P762 for poor households and P638–P1,526 for low-income families, well above the government’s 2%-4% target.
Gatchalian: Palawakin ang Cash Aid, Isama ang mga ‘Near-Poor’
Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagpapalawak ng tulong pinansyal sa gitna ng implikasyon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Hindi lang aniya mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang dapat nabibigyan ng ayuda, dapat isama rin daw ang mga tinatawag na “near-poor” households dahil sila rin kasi ay tinamaan ng pagbaba ng purchasing power o kakayahang bumili.
Iminungkahi ni Gatchalian na ang mga pamilyang nasa ilalim ng 4Ps, na tinatayang nasa 4.4 milyon, ay bigyan ng P1,500 kada buwan sa loob ng tatlong buwan, na nagkakahalaga ng P19.8 bilyon sa pamahalaan. Iminungkahi rin niya ang pagbibigay ng P2,500 na tulong pinansyal sa humigit-kumulang 1.32 milyong pamilyang near-poor, na may kabuuang halaga na P9.9 bilyon.
“Ang pinakaimportanteng problema na kailangan nating tugunan ay ang pagtiyak na ang mga mahihirap na ay hindi na lalong maghirap pa at ang mga ‘near-poor’ ay hindi tuluyang mahulog sa kahirapan. Kailangan nating siguraduhin na ang ating mga vulnerable na kababayan ay mabigyan ng proteksyon sa puntong ito,” diin ni Gatchalian sa isang public hearing na isinagawa ng Senate PROTECT ad hoc committee, na kaniyang pinamumunuan.
Tinataya ng Senate panel na ang 4.1% na pagtaas ng inflation noong nakaraang Marso ay naging dahilan para mabawasan ang buwanang kakayahang bumili ng mga mahihirap na sambahayan ng hanggang P568, habang ang mga low-income o near-poor na sambahayan naman ay nawalan ng P569 hanggang P1,137. Kung aakyat ang inflation sa 4.6%–5.5%, ang ibig sabihin nito sa mga mahihirap na pamilya ay kabawasan pa sa kanilang purchasing power ng hanggang P638–P762 at P638–P1,526 na kabawasan naman sa mga low-income na pamilya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN