Senator Win Gatchalian called on the Energy Regulatory Commission (ERC) to ensure that any increase in electricity rates is implemented on a staggered basis to protect consumers from sudden financial distress.
Gatchalian, vice-chair of the Senate Committee on Energy, emphasized that the ERC should closely monitor electricity rates and prohibit one-time, large increases. As consumers are already reeling from the high cost of living, spreading any increase in electricity rates into several billing cycles would help cushion the impact, the senator stressed.
“The electricity sector is a regulated industry, and the ERC should not allow one-time, big-time increases in electricity rates. Now is the worst time to increase electricity costs,” he said.
Gatchalian stressed the ERC must remain vigilant in ensuring no unwarranted increase in electricity rates is implemented and added to the daily financial strain of ordinary consumers. “It’s the job of the ERC to help ease the burden on our people,” he said.
But while government intervention in electricity pricing has been clipped under the Electric Power Industry Reform Act of 2001, the government may intervene in case of shortage of supply, he added.
Gatchalian Hinimok ang ERC na Utay-Utayin ang Singil sa Kuryente para sa Kapakanan ng mga Konsyumer
Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na tiyaking ang anumang pagtaas sa singil sa kuryente ay ipatutupad nang pautay-utay o staggered basis upang maprotektahan ang mga mamimili mula sa biglaan at matinding financial distress.
Binigyang-diin ni Gatchalian, na siyang vice-chairperson ng Senate Committee on Energy, na dapat bantayang mabuti ng ERC ang mga rate ng kuryente at ipagbawal ang mga biglaang malakihang dagdag-singil. Dahil nahihirapan na nga ang mga konsyumer sa mataas na gastusin sa pang-araw araw, ang paunti-unting pagtaas sa singil sa kuryente sa loob ng ilang billing cycle ay makatutulong upang maibsan ang epekto nito, ayon sa senador.
“Ang sektor ng kuryente ay isang regulated industry, at hindi dapat payagan ng ERC ang ‘one-time, big-time’ na mga pagtaas sa singil sa kuryente. Ngayon ang pinakamasamang panahon para magtaas ng singil sa kuryente,” aniya.
Iginiit ni Gatchalian na dapat manatiling mapagmatyag ang ERC sa pagtiyak na walang hindi nararapat na pagtaas sa singil sa kuryente na maidaragdag sa pang-araw-araw na pinansyal na pasanin ng mga ordinaryong mamimili. “Trabaho ng ERC na tumulong na pagaangin ang pasanin ng ating mga kababayan,” dagdag pa niya.
Bagama’t nalimitahan ang pakikialam ng gobyerno sa pagtatakda ng presyo ng kuryente sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001, sinabi ni Gatchalian na maaari pa ring mamagitan ang pamahalaan sakaling magkaroon ng kakulangan sa supply.
# # #
