Senator Win Gatchalian urged the Department of Energy (DOE), the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), and the Energy Regulatory Commission (ERC) to immediately address and resolve the rolling power interruptions disrupting communities across the country.
“Nagpapatupad na nga ng four-day work week ang maraming sangay ng gobyerno dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan, pero nagba-brownout pa rin sa iba’t ibang panig ng bansa. Hindi ito katanggap-tanggap,” Gatchalian said.
The NGCP has been declaring red and yellow alerts over the Luzon and Visayas grids in recent days, citing the simultaneous forced outages of several power plants.
“If recurring plant outages are driving the problem, generation companies must be made to answer. The ERC should enforce compliance with performance standards and take action against erring plants,” Gatchalian stressed.
“Every hour of a brownout brings business operations to a standstill, disrupts the education of our youth, and paralyzes the daily lives of our communities, most critically, it puts at risk patients whose survival depends on electricity-powered medical equipment,” he added.
The senator has also repeatedly called on the NGCP to implement proactive grid management by contracting sufficient ancillary services to prevent power disruptions especially during peak demand.
“Hindi pwedeng paulit-ulit na lang ang ganitong sitwasyon. Kailangan ng malinaw na paliwanag, agarang aksyon, at pananagutan mula sa mga awtoridad,” he said.
Gatchalian Hinimok ang DOE, NGCP, ERC: Ipaliwanag, Tugunan ang Mga Brownout
Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at Energy Regulatory Commission (ERC) na agad ipaliwanag at tugunan ang mga umiiral na rotational brownout at pagkaantala sa suplay ng kuryente na nakaaapekto sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.
“Nagpapatupad na nga ng four-day work week ang maraming sangay ng gobyerno dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan, pero nagba-brownout pa rin sa iba’t ibang panig ng bansa. Hindi ito katanggap-tanggap,” ani Gatchalian.
Kamakailan ay nagdeklara ang NGCP ng red alert at yellow alert sa mga grid ng Luzon at Visayas dahil sa sabay-sabay na forced outage ng ilang planta ng kuryente.
“Kung ang paulit-ulit na pagpalya ng mga planta ang sanhi ng problema, dapat managot ang mga generation company. Dapat tiyakin ng ERC ang mahigpit na pagpapatupad ng mga performance standard at papanagutin ang mga lumalabag,” diin ng senador.
“Bawat oras ng brownout ay nagdudulot ng pagkaantala sa operasyon ng mga negosyo, sa edukasyon ng ating mga kabataan, sa pang-araw-araw na gawain ng ating mga komunidad, lalo na sa kagamitang pang medikal na nangangailangan ng kuryente para magamot o maisalba ang buhay ng isang pasyente,” dagdag pa niya.
Paulit-ulit na rin umanong nananawagan ang senador sa NGCP na magpatupad ng mas maagap na grid management, kabilang ang pagtiyak ng sapat na ancillary services upang maiwasan ang mga power interruption lalo na sa tuwing mataas ang demand sa kuryente.
“Hindi pwedeng paulit-ulit na lang ang ganitong sitwasyon. Kailangan ng malinaw na paliwanag, agarang aksyon, at pananagutan mula sa mga awtoridad,” aniya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN