Amid the persistent classroom shortage nationwide, Senator Win Gatchalian urged cities to accelerate school building projects to ensure students have access to safe and adequate learning spaces.
Gatchalian’s call follows the signing of a memorandum of agreement (MOA) today between the Department of Education (DepEd) and cities for a nationwide classroom building program. According to Gatchalian, the agreement aligns with the 2026 national budget, which gives the DepEd more flexibility when it comes to classroom construction.
Under the 2026 national budget, the DepEd may enter into a MOA with different government agencies, including local government units (LGUs), to build classrooms. The DepEd may also tap non-governmental organizations and civil society organizations for classroom construction.
More than P65 billion is allotted this year for the construction, replacement, and completion of kindergarten, elementary, and secondary school buildings, including technical vocational laboratories. As of July 2025, the country has a shortage of 147,000 classrooms.
“Mahalaga ang pakikipagtulungan natin sa mga lungsod upang makapagpatayo tayo ng mas maraming silid-aralan. Kung maraming lungsod ang sabay-sabay na kikilos, mababawasan ang mga silid-aralan na may nagsisiksikang mga mag-aaral,” said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Finance.
Mga Lungsod Hinimok ni Gatchalian na Tumulong sa Pagpapabilis ng Classroom Construction
Sa gitna ng patuloy na kakulangan ng mga silid-aralan sa buong bansa, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga lungsod na tumulong sa pagpapabilis ng pagpapatayo ng mga school buildings. Ito ay upang matiyak na ang mga mag-aaral ay may sapat at ligtas na mga espasyo para sa kanilang pagkatuto.
Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ang paglagda ng isang memorandum of agreement ngayong araw sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at ng mga lungsod sa bansa para sa isang nationwide classroom building program. Ayon kay Gatchalian, naaayon ang naturang kasunduan sa layon ng 2026 national budget, kung saan pinahihintulutan ang DepEd na gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagpapatayo ng mga silid aralan.
Sa ilalim ng 2026 national budget, maaaring magkaroon ng MOA sa pagitan ng DepEd at ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang mga local government units (LGUs), upang magpatayo ng mga silid-aralan. Maaari ring makipagtulungan ang DepEd sa mga non-governmental organizations at mga civil society organizations para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan.
Mahigit P65 bilyon ang inilaan ngayong taon para sa pagpapatayo, pagpalit, at pagkumpleto ng mga school buildings para sa kindergarten, elementary, at high school, kabilang ang mga technical vocational laboratories. Tinatayang 147,000 na mga silid-aralan ang kulang sa bansa buhat noong Hulyo 2025.
“Mahalaga ang pakikipagtulungan natin sa mga lungsod upang makapagpatayo tayo ng mas maraming silid-aralan. Kung maraming lungsod ang sabay-sabay na kikilos, mababawasan ang mga silid-aralan na may nagsisiksikang mga mag-aaral,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.
###
