Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian urges BARMM focus on education; assures Senate’s support

Senate President Win Gatchalian urged the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) government to prioritize addressing critical education challenges in the region, assuring members of the Bangsamoro Parliament of the Senate’s support for education reforms.

“Kasabay ng paghangad natin ng kapayapaan at kaunlaran para sa mga kababayan natin sa BARMM,  kailangan nating pagsikapan matugunan ang mga hinaharap nilang hamon pagdating sa edukasyon. Sa ganitong paraan, matitiyak nating hindi sila mapag-iiwanan,” said Gatchalian.

Following the inaugural session of the Bangsamoro Parliament, Gatchalian earlier expressed optimism that the region is on its way to lasting peace and economic development. He also called on civil society and local government units to rally behind the new BARMM government. 

To achieve sustainable and inclusive development, however, Gatchalian emphasized the need to improve the state of education in BARMM. The Second Congressional Commission on Education’s (EDCOM II) final report found that the region’s functional literacy rate is only at 64.7%, while 49.44% of key stage 1 learners, or those in Kindergarten up to Grade 3, are considered low emerging readers.

The report also found that BARMM recorded prevalence of stunting among children under five in the country at 34.3%, as well as the highest rate of moderate-to-severe household food insecurity in the country at 48.2%. “Importanteng matugunan ang mg learning gaps sa BARMM para sa pag-asenso ng lahat, partikular ang mga kabataan na susunod na mamumuno sa ibat-ibang sektor ng rehiyon,” he added.


Gatchalian nanawagan sa BARMM na tutukan ang edukasyon; tiniyak ang suporta ng Senado

Hinimok ni Senate President Win Gatchalian ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na bigyang prayoridad ang pagtugon sa mga hamon sa edukasyon na kinakaharap ng rehiyon. Tiniyak din niya sa mga miyembro ng Bangsamoro Parliament ang suporta ng Senado sa mga repormang magtataas sa kalidad ng edukasyon at mag-aangat sa kakayahan ng mga mag-aaral.

“Kasabay ng paghangad natin ng kapayapaan at kaunlaran para sa mga kababayan natin sa BARMM, kailangan nating pagsikapang matugunan ang mga hinaharap nilang hamon pagdating sa edukasyon. Sa ganitong paraan, matitiyak nating hindi sila mapag-iiwanan,” ani Gatchalian.

Matatandaang kasunod ng kauna-unahang sesyon ng Bangsamoro Parliament, nagpahayag si Gatchalian ng pag-asang magdudulot ito ng pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon. Hinimok din niya ang mga civil society organizations at mga lokal na pamahalaan na makiisa sa bagong pamahalaan ng BARMM.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang tugunan ang kalagayan ng edukasyon sa BARMM upang matiyak ang pangmatagalan at pantay-pantay na pag-unlad para sa lahat.

Batay sa pinakahuling ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), nasa 64.7% lamang ang porsyento ng mga mamamayan sa BARMM ang itinuturing na functionally literate o marunong bumasa, sumulat, umunawa, at gumamit ng kanilang kaalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nasa 49.44% din ng mga mag-aaral sa Key Stage 1 o mula Kindergarten hanggang Grade 3 ang itinuturing na low emerging readers.

Natuklasan din sa ulat na 34.3% ng mga batang wala pang limang taong gulang sa BARMM ang nakararanas ng stunting dahil sa kakulangan sa wastong nutrisyon. Naitala rin sa rehiyon ang pinakamataas na porsyento ng mga pamilyang nakararanas ng moderate-to-severe household food insecurity o kakulangan sa pagkain sa buong bansa, na umabot sa 48.2%.

“Importanteng matugunan ang mga kakulangan sa pagkatuto sa BARMM para sa pag-asenso ng lahat, partikular ang mga kabataang susunod na mamumuno sa iba’t ibang sektor ng rehiyon,” dagdag ni Gatchalian.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN