“Binabati ko ang milyung-milyong deboto ng Itim na Nazareno na patuloy na nagpapatatag ng kanilang pananampalataya at pag-asa sa kabila ng mga hamon ng buhay. Kasabay ng pagdiriwang, nananawagan ako sa lahat na unahin ang kaligtasan at kaayusan. Ang disiplina, malasakit sa kapwa, at pagsunod sa mga patakaran ng awtoridad ang susi upang maiwasan ang aksidente at iba pang panganib. Nasaksihan na natin ang mga nakaraang trahedya, wag na nating hayaang maulit ito.
Hinihikayat ko ang mga organizer, lokal na pamahalaan, law enforcers, at health teams na magtulungan upang maiwasan ang panganib sa seguridad, kalusugan, at daloy ng trapiko. Nawa’y maging tunay na makabuluhan at magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito habang nagpapaalala ng pagkakaisa at pananampalataya ng sambayanang Pilipino.”
###
