Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian to DA: Expand Kadiwa Stores to Bring Affordable Food to Vulnerable Filipinos 

Senator Win Gatchalian urged the Department of Agriculture to expand the deployment of Kadiwa stores to provide affordable food items to vulnerable sectors affected by the Middle East conflict. 

The expansion, he said, should cover geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) to ensure that vulnerable groups such as senior citizens, solo parents, PWDs, and beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) have access to essential food items. He noted that the DA itself has projected a spike in food prices due to rising fuel costs. 

Gatchalian’s call is among the proposals put forward by the Senate PROTECT Committee, which he chairs. 

“Dapat abot ng murang bilihin ang bawat Pilipino, hindi lang sa Metro Manila kundi hanggang sa pinakamalayong komunidad, dahil lahat tayo ay apektado ng krisis sa Middle East,” the senator said. 

Gatchalian noted that an important component of the Kadiwa ng Pangulo project is the Rice for All Program, through which the government buys palay from farmers and sells rice at more affordable prices. “Expanding the program’s footprint will also directly support the local agricultural economy by providing more farmers with a guaranteed market for their produce,” he added. 


Gatchalian sa DA: Palawakin ang mga Kadiwa Store Para sa Mas Maraming Murang Pagkain 

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Agriculture (DA) na palawakin ang paglalatag ng mga Kadiwa store upang makapagbigay ng murang mga bilihin sa mga sektor na apektado kasunod ng sigalot sa Gitnang Silangan. 

Ayon sa senador, dapat masakop ang mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) upang matiyak na ang mga vulnerable sectors tulad ng mga senior citizen, solo parent, Persons With Disabilities (PWD), at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay may access sa mga pangunahing pagkain. Binigyang-diin ni Gatchalian na mismong ang DA ang nagbigay ng projection na tataas ang presyo ng pagkain dahil sa pagmahal ng presyo ng petrolyo.

Ang panawagang ito ni Gatchalian ay kabilang sa mga mungkahi ng Senate PROTECT Committee, na kanyang pinamumunuan.

“Dapat abot-kaya ang murang bilihin ng bawat Pilipino, hindi lang sa Metro Manila kundi hanggang sa pinakamalayong komunidad, dahil lahat tayo ay apektado ng krisis sa Middle East,” ayon sa senador.

Binanggit din niya na ang isang mahalagang bahagi ng proyekyong Kadiwa ng Pangulo ay ang Rice for All Program, kung saan binibili ng gobyerno ang palay mula sa mga magsasaka at ibinebenta ang bigas sa mas abot-kayang presyo. “Ang pagpapalawak sa saklaw ng programa ay direktang susuporta rin sa lokal na ekonomiya ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga magsasaka ng garantisadong merkado para sa kanilang mga ani,” aniya. 

# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN