Senate President Win Gatchalian vowed to provide the necessary budgetary support for the Sandiganbayan to help reverse the perception of widespread corruption in government.
“We want to support the Sandiganbayan because they need to capacitate themselves, make themselves more efficient, and get more manpower to support the voluminous cases that are being filed in the anti-graft court,” Gatchalian said at a recent budget hearing on the proposed 2027 budget of the judiciary.
The Senate President made the statement at a recent budget hearing in reaction to a recommendation made by the Department of Budget and Management to reduce the Sandiganbayan’s budget by P551 million.
“I don’t subscribe to the recommendation to reduce its budget by P551 million. Dapat nga dagdagan pa para masuportahan ang mabilis na paglilitis,” he emphasized.
The number of cases continued to increase since the Ombudsman filed the first case in November 2025, according to Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Faith Econg. To date, 26 cases against senators and congressmen in connection with the flood control mess have already been filed before the Sandiganbayan, she said.
Gatchalian: Gustong patatagin ang Sandiganbayan para mabago ang tingin ma talamak na korapsyon sa pamahalaan
Nangako si Senate President Win Gatchalian na ibibigay ang kinakailangang suporta sa budget para sa Sandiganbayan upang makatulong na mabago ang persepsyon ukol sa talamak na korapsyon sa gobyerno.
“Gusto nating suportahan ang Sandiganbayan dahil kailangan nilang palakasin ang kanilang kakayahan, maging mas mahusay, at makakuha ng karagdagang tauhan upang matugunan ang napakaraming kasong inihahain sa anti-graft court,” pahayag ni Gatchalian sa isang kamakailan na pagdinig ukol sa panukalang 2027 badyet ng hudikatura.
Ginawa ng Senate President ang pahayag sa isang kamakailang pagdinig sa badyet bilang reaksyon sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management na bawasan ang badyet ng Sandiganbayan ng P551 milyon.
“Hindi ako sumasang-ayon sa rekomendasyon na bawasan ang badyet nito ng P551 milyon. Dapat nga dagdagan pa para masuportahan ang mabilis na paglilitis,” diin niya.
Patuloy ang pagdami ng bilang ng mga kaso hinggil sa kontrobersiyal na mga proyekto sa flood-control simula nang ihain ng Ombudsman ang unang kaso noong Nobyembre 2025, ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Faith Econg. Sa kasalukuyan, 26 na kaso laban sa mga senador at kongresista na may kaugnayan sa gulo sa flood control ang naihain na sa Sandiganbayan, aniya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN