Following the President’s State of the Nation Address (SONA), Senate President Win Gatchalian vowed that the Senate will ensure the sustained implementation of programs supported by the historic P1.35-trillion education budget to address persistent challenges in the education sector.
“Sa makasaysayang pondong inilaan natin sa edukasyon para sa taong ito, may pagkakataon tayong tugunan ang matagal nang krisis sa sektor. Titiyakin nating magpapatuloy ang suporta upang mas mapabuti ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral,” said Gatchalian.
In his SONA, the President underscored the expansion of the School-Based Feeding Program (SBFP) and the hiring of 10,000 School Counselor Associates I to help implement the School-Based Mental Health Program.
The 2026 national budget earmarked P25.7 billion for the expanded SBFP to include all learners from Kindergarten and Grade 1, while continuing support for stunted and wasted learners in Grades 2 to 6. It also increased the number of feeding days from 120 to 200 and is expected to benefit almost 4.5 million learners.
The budget also provides P2 billion for the hiring of 10,000 School Counselor Associates I, ensuring learners receive timely psychosocial support.
SONA 2026: Patuloy na Suporta ng Senado sa Edukasyon Tiniyak ni Gatchalian
Kasunod ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, tiniyak ni Senate President Win Gatchalian ang tuloy-tuloy na suporta ng Senado sa sa pagpapatupad ng mga programang saklaw ng makasaysayang P1.35 trilyong pondo para tugunan ang mga hamon sa edukasyon.
“Sa makasaysayang pondong inilaan natin sa edukasyon para sa taong ito, may pagkakataon tayong tugunan ang matagal nang krisis sa sektor. Titiyakin nating magpapatuloy ang suporta upang mas mapabuti ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral,” pahayag ni Gatchalian.
Sa kanyang SONA, binigyang-diin ng Pangulo ang pagpapalawak sa School-Based Feeding Program (SBFP) at ang pagkuha ng 10,000 School Counselor Associates I upang tumulong sa pagpapatupad ng School-Based Mental Health Program.
Naglaan ang 2026 national budget ng P25.7 billion para sa pinalawak na SBFP na sasaklaw sa lahat ng mga mag-aaral mula Kindergarten at Grade 1, habang patuloy na susuportahan ang stunted at wasted learners mula Grade 2 hanggang Grade 6. Dinagdagan din ang feeding days sa 200 mula 120 at inaasahang makikinabang dito ang halos 4.5 milyong mag-aaral.
Naglaan din ng budget na P2 billion para sa pagkuha ng 10,000 School Counselor Associates I upang matiyak na makakatanggap ang mga mag-aaral ng napapanahong psychosocial support.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN