Senate President Win Gatchalian said the Senate will exercise strict oversight over the proposed Pax Silica initiative to ensure that it becomes a transformative economic opportunity for the country while ensuring concerns over its environmental impact are sufficiently addressed.
“Importante na ang Senado ay magkaroon ng oversight at masigurado na itong mga risks at mga hinaing ay matugunan natin,” Gatchalian said at a recent Senate hearing on the initiative.
He emphasized that the Pax Silica initiative should deliver long-term economic gains for the country without compromising environmental safety, constitutional sovereignty, and the rights of local communities, including farmers and Indigenous Peoples.
While the initiative presents a “once-in-a-lifetime “opportunity for the country to shift from low-value semiconductor assembly and vulnerable entry-level Business Process Outsourcing (BPO) jobs to high-value technology sector that could generate 200,000 direct jobs and up to 800,000 job opportunities during its construction phase, such economic prospects should be balanced with uncompromising vigilance.
According to the Senate President, Senate oversight would be maintained throughout all phases of the project.
Gatchalian: Mahigpit na Oversight ng Senado sa Pax Silica Initiative Pananatilihin
Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na magsasagawa ng mahigpit na oversight o pagbabantay ang Senado sa Pax Silica initiative upang matiyak na magiging isa itong malaking oportunidad sa ekonomiya ng bansa, habang sinisiguradong natutugunan nang maayos ang mga isyu sa maaaring epekto nito sa kapaligiran.
“Importante na ang Senado ay magkaroon ng oversight at masigurado na ang mga risks at mga hinaing ay matugunan natin,” pahayag ni Gatchalian sa isang nagdaang pagdinig ng Senado tungkol sa inisyatibo.
Binigyang-diin niya na ang Pax Silica initiative ay dapat maghatid ng pangmatagalang pakinabang sa ekonomiya ng bansa nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan ng kalikasan, soberanya ayon sa saligang-batas, at ang mga karapatan ng mga lokal na komunidad, kabilang ang mga magsasaka at mga katutubo.
Bagama’t nag-aalok ang inisyatibo ng isang pambihirang oportunidad para sa bansa ng isang high-value technology sector na maaaring lumikha ng 200,000 direktang trabaho at aabot sa 800,000 oportunidad sa trabaho sa panahon ng konstruksyon nito, mula sa low-value semiconductor assembly at mga bulnerableng entry-level na trabaho sa Business Process Outsourcing (BPO). Ang ganitong mga potensyal sa ekonomiya ay dapat balansehin ng walang-kompromisong pagbabantay, ayon kay Gatchalian.
Sabi pa ng Senate President, ang pagbabantay ng Senado ay pananatilihin sa lahat ng yugto ng proyekto.
# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN