Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian seeks to boost economic resilience with job fairs

Senate President Win Gatchalian is seeking to boost economic resilience by providing an avenue for thousands of job seekers to connect with potential employers.

With unemployment rate settling at 5.3% in August, Gatchalian emphasized the urgent need for gainful employment and shield Filipino families from the financial burden of rising inflation and economic uncertainty.

“Importante na magkaroon ng maayos na trabaho ang ating mga kababayan. Hindi lang dapat ayuda ang binibigay ng gobyerno kundi ang pagkakataon na makapaghanap buhay sila ng maayos,” the Senate President emphasized.

To date, Gatchalian’s office has already organized  23 separate job fairs in various localities participated by 12, 166 jobseekers and generating 2,874 hired on the spot individuals. Many others are in the process of getting hired. 

Localities where job fairs were conducted include Valenzuela City, Muntinlupa City, Quezon City, Paranaque City, Las Pinas City, Pateros, Manila City, Caloocan City, Makati City, Pasig City, Malabon City, San Fernando City, Pampanga, Calbayog City, Samar, Tacloban City, Leyte and Ormoc City, Leyte. Such job fairs were conducted in coordination with the Department of Labor and the local government unit concerned.

According to Gatchalian, a series of job fairs in different parts of the country will be conducted  in the coming months. “Simple lang ang layunin natin. Gusto nating magkaroon ng pagkakataon ang mga kwalipikadong jobseekers na magkaroon ng maayos at regular na trabaho,” he added.


Gatchalian, gustong pag-ibayuhin ang economic resilience sa pamamagitan ng mga job fair

Nais palakasin ni Senate President Win Gatchalian ang economic resilience ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa libo-libong naghahanap ng trabaho na makakonekta sa mga potensyal na employer.

Dahil nanatili sa 5.3% ang unemployment rate noong Agosto, binigyang-diin ni Gatchalian ang agarang pangangailangan para sa kapaki-pakinabang na trabaho at upang maprotektahan ang mga pamilyang Pilipino mula sa pinansiyal na pabigat ng dala ng mataas na inflation at kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.

“Importante na magkaroon ng maayos na trabaho ang ating mga kababayan. Hindi lang dapat ayuda ang binibigay ng gobyerno kundi ang pagkakataon na makapaghanap buhay sila ng maayos,” pagbibigay-diin ng Senate President.

Sa ngayon, ang tanggapan ni Gatchalian ay nakapag-organisa na ng 23 magkakahiwalay na job fair sa iba’t ibang lokalidad na nilahukan ng 12,166 na naghahanap ng trabaho at nagbunga ng 2,874 na indibidwal na natanggap agad sa trabaho (hired on the spot). Marami pang iba ang kasalukuyan nang pinoproseso para matanggap.

Kabilang sa mga lokalidad kung saan isinagawa ang mga job fair ang Valenzuela City, Muntinlupa City, Quezon City, Parañaque City, Las Piñas City, Pateros, Manila City, Caloocan City, Makati City, Pasig City, Malabon City, San Fernando City sa Pampanga, Calbayog City sa Samar, Tacloban City sa Leyte, at Ormoc City sa Leyte. Ang mga naturang job fair ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng mga kinauukulang lokal na pamahalaan.

Ayon kay Gatchalian, isang serye ng mga job fair sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang isasagawa sa mga susunod na buwan. “Simple lang ang layunin natin. Gusto nating magkaroon ng pagkakataon ang mga kwalipikadong jobseekers na magkaroon ng maayos at regular na trabaho,” dagdag pa niya.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN