Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Seeks Inquiry on impact of Middle East Conflict on PH Economy, Fiscal Targets

Senator Win Gatchalian has filed Senate Resolution No. 348 seeking an inquiry into the impact of the ongoing conflict in the Middle East on the country’s economic and fiscal targets.

“There is a pressing need to assess whether current market conditions remain aligned with the national budget and determine if fiscal policy adjustments are needed to ensure it remains responsive to the needs of our countrymen,” said Gatchalian, chair of the Senate Committee on Finance. 

The Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) estimates inflation this year may rise to 4%-4.2%, above the 3.6% pre-war forecast, if fuel prices hit $100 per barrel within the month and remain above the $80 until May. Inflation could further increase to 4.5%-4.8% if prices reach $140 per barrel within the month and stay above $80 until September, the senator pointed out.

DepDev further estimates that OFW remittances could drop by as much as 65.3% from 2025 levels, equivalent to P226.58 billion, if a deployment ban and 10% repatriation of affected OFWs are implemented. 

Such a scenario could reduce the country’s gross domestic product by as much as 0.20%-0.30% if the oil price shock persists, DepDev claimed. 


Gatchalian Nais Siyasatin ang Epekto ng Sigalot sa Gitnang Silangan sa Ekonomiya ng Bansa 

Naghain si Senador Win Gatchalian ng Senate Resolution No. 348 upang siyasatin ang epekto ng nagpapatuloy na sigalot sa Gitnang Silangan sa ekonomiya at fiscal target ng bansa. 

“Mahalagang malaman kung ang kasalukuyang kundisyon sa merkado ay nananatiling tugma o naaayon sa pambansang budget at tukuyin kung kailangan ng mga pagsasaayos sa fiscal policy upang matiyak na nananatili itong tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” ani Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Finance.

Ayon sa pagtataya ng Department of Economy, Planning, and Development (DepDev), maaaring umakyat ang inflation ngayong taon sa 4%-4.2%, mas mataas sa 3.6% na forecast bago ang giyera, kung ang presyo ng langis ay aabot a $100 kada bariles ngayong buwan at mananatiling higit sa $80 hanggang Mayo. Maaari pang tumaas ang inflation sa 4.5%-4.8% kung ang presyo ay papalo sa $140 kada bariles ngayong buwan at mananatiling lampas sa $80 hanggang Setyembre, paliwanag ng senador.

Tinataya rin ng DepDev na maaaring bumagsak ang padalang pera ng mga OFW o remittance nang hanggang 65.3% mula sa antas ng 2025, na katumbas ng P226.58 bilyon, kung magpapatupad ng deployment ban at 10% na pagpapauwi sa mga apektadong OFW. 

Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magpababa sa gross domestic product (GDP) ng bansa nang hanggang 0.20%-0.30% kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa DepDev. 

# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN