Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Seeks Inquiry on Children’s Digital Exposure, Links to School Violence

Senate President Win Gatchalian has filed a resolution seeking an inquiry into the effects of online gaming platforms and social media use on children, including their role in the rise of violence in schools.

By filing Proposed Senate Resolution No. 488, Gatchalian aims to identify policy recommendations and craft responsive legislation that will safeguard Filipino children from the harmful effects of unregulated digital exposure.

Gatchalian filed the resolution following a series of violent incidents in schools, including the shooting at San Jose National High School in Tacloban City that claimed the lives of three learners. Police reports said the suspects had been heavily exposed to GoreBox, a graphic violence-simulating online game that was later temporarily blocked by the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC). 

One of the latest incidents occurred at Cabaluay National High School in Zamboanga City, where a stabbing incident left at least two learners injured. 

At a Senate Committee on Basic Education hearing last year, the Department of Education (DepEd) said at least 103 bullying incidents escalated into campus violence from November 24, 2022 to April 7, 2025.

“Hindi natin maaaring balewalain ang epekto ng walang kontrol na digital exposure sa mga kabataan. Panahon nang tiyakin kung sapat ang ating mga polisiya upang maprotektahan sila,” Gatchalian said. 


Kaugnayan ng Karahasan sa Digital Exposure ng mga Mag-aaral Pinasusuri ni Gatchalian

Naghain si Senate President Win Gatchalian ng isang resolusyon upang siyasatin ang epekto ng online gaming platforms at paggamit ng social media sa mga bata, kabilang ang papel ng mga ito sa pagtaas ng bilang ng karahasan sa mga paaralan.

Sa paghahain niya ng Proposed Senate Resolution No. 488, layon ni Gatchalian na magrekomenda ng mga polisiya at magsulong ng mga panukalang batas upang maprotektahan ang mga batang Pilipino laban sa masamang epekto ng unregulated digital exposure.

Inihain ni Gatchalian ang resolusyon matapos ang sunod-sunod na karahasan sa mga paaralan sa bansa, kabilang ang pamamaril sa San Jose National High School sa Lungsod ng Tacloban na kumitil sa buhay ng tatlong mag-aaral. Ayon sa mga ulat ng pulis, labis na na-expose ang mga suspek sa GoreBox, isang graphic violence-simulating online game na kalauna’y pansamantalang ipina-block ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Naganap ang isa sa pinakahuling insidente ng karahasan sa Cabaluay National High School sa Zamboanga City, kung saan isang saksakan ang nag-iwan ng hindi bababa sa dalawang mag-aaral na sugatan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education noong nakaraang taon, sinabi ng Department of Education (DepEd) na mayroong 103 insidente ng bullying ang nauwi sa karahasan mula November 24, 2022 hanggang April 7, 2025.

“Hindi natin maaaring balewalain ang epekto ng walang kontrol na digital exposure sa mga kabataan. Panahon nang tiyakin kung sapat ang ating mga polisiya upang maprotektahan sila,” ani Gatchalian. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN