Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Seeks Greater Gov’t Powers to Prevent Excessive Fuel Prices

Senate President Win Gatchalian is pushing to give the government stronger powers to ensure oil companies do not impose unreasonable fuel prices on consumers, saying deregulation should not come at the expense of public welfare.

Gatchalian said the government should strictly monitor oil companies’ acquisition costs for imported fuel to verify that local pump prices remain reasonable despite the industry’s deregulated setup.

The senator made the statement during a recent hearing of the Senate Committee on Energy on his proposed amendments to Republic Act No. 8479, or the Downstream Oil Industry Deregulation Act, under Senate Bill No. 64.

“While the law was intended to attract private investments, deregulation should not leave consumers vulnerable to excessive pricing,” Gatchalian said.

“We need to strike a delicate balance. On one hand, we want private companies to invest but we also can’t allow them to make unabated profits,” he added.

Senate Bill No. 641 seeks to require oil companies to disclose the actual cost components of their retail fuel prices whenever the average price of Dubai crude oil, based on Mean of Platts Singapore (MOPS), is equal to or greater than USD80 per barrel.


Gatchalian Humingi ng Mas Malawak na Kapangyarihan Para sa Gobyerno Kontra Labis na Presyo ng Langis

Isinusulong ni Senate President Win Gatchalian na bigyan ang gobyerno ng mas malakas na kapangyarihan upang matiyak na hindi magpapataw ang mga kompanya ng langis ng hindi makatwirang presyo ng gasolina sa mga mamimili, at sinabing hindi dapat isakripisyo ang kapakanan ng publiko dahil sa sistema ng deregulasyon.

Isa na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang epektibo ngayong araw. Sinabi ni Gatchalian na dapat mahigpit na bantayan ng gobyerno ang acquisition cost o halaga ng pagbili ng mga kompanya ng langis sa mga inaangkat na langis upang mapatunayan na nananatiling makatwiran ang presyo sa mga lokal na gasolinahan sa kabila ng setup na deregulated.

Ginawa ng senador ang pahayag sa nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Energy ukol sa kanyang mga iminumungkahing amyenda sa Republic Act No. 8479, o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act, sa ilalim ng Senate Bill No. 641.

“Bagamat layunin ng batas na umakit ng mga pribadong pamumuhunan, hindi dapat iwanan ng deregulasyon ang mga mamimili na madaling mabiktima ng labis na pagpepresyo,” ani Gatchalian.

“Kailangan nating magkaroon ng sensitibong balanse. Sa isang banda gusto nating hikayatin ang mga pribadong kompanya na mamuhunan, ngunit hindi rin natin maaaring payagan na labis ang kanilang tubo,” dagdag pa niya.

Layon ng Senate Bill No. 641 na atasan ang mga kompanya ng langis na isapubliko ang mga totoong cost components sa kanilang retail fuel prices kapag ang average na presyo ng Dubai crude oil, batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS), ay katumbas o higit pa sa USD80 kada bariles.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN