Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Seeks End to Outdated Travel Tax, Cites Economic Growth 

Calling the decades-old travel tax an unnecessary burden on Filipinos, Senator Win Gatchalian filed his proposed measure seeking to abolish the levy.  

“As we adapt to the rapid course of globalization where borders open and connectivity grows, we must dismantle barriers that restrict mobility, discourage tourism, and limit business opportunities especially for micro and small enterprises,” Gatchalian said in filing Senate Bill No. 1896 or the Travel Tax Abolition Act of 2026

“Travel tax must be removed to help promote greater mobility, stimulate the economy, and encourage regional and global cooperation and development among nations,” he added.

Gatchalian also said that scrapping the tax would also bring the Philippines in line with its international commitments, particularly Article 2 of the ASEAN Tourism Agreement, which calls on member states to phase out travel levies imposed on nationals traveling within ASEAN.

He pointed out that the imposition of travel tax began 70 years ago, warranting a need to review such policy. The House Committee on Tourism recently approved its own version of the proposed measure.


Gatchalian: Alisin ang Travel Tax Para Lumago ang Ekonomiya 

Dahil sa paniniwalang ang ilang dekada nang travel tax ay isang hindi kinakailangang pasanin para sa mga Pilipino, naghain si Senador Win Gatchalian ng isang panukalang batas na naglalayong alisin ang nasabing buwis.

“Habang nag-a-adapt tayo sa mabilis na takbo ng globalisasyon kung saan bumubukas ang mga borders at lumalago ang connectivity, dapat alisin na natin ang mga hadlang sa malayang paggalaw o pagbibyahe, nagpapahina sa turismo, at sumasakal sa mga oportunidad sa negosyo, lalo na para sa mga maliliit na negosyo,” ani Gatchalian sa paghahain niya ng Senate Bill No. 1896 o ang Travel Tax Abolition Act of 2026.

“Dapat nang alisin ang travel tax upang makatulong sa pagtataguyod ng mas malawak na mobility, pagpapasigla ng ekonomiya, at paghikayat ng pandaigdigang kooperasyon at pag-unlad sa pagitan ng mga bansa,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Gatchalian na ang pag-alis sa buwis na ito ay maglalapit sa Pilipinas sa mga pandaigdigang pangako nito partikular na sa Article 2 ng ASEAN Tourism Agreement, na nananawagan sa mga miyembrong bansa na unti-unting alisin ang mga travel levy na ipinapataw sa mga mamamayang nagbibiyahe sa loob ng ASEAN.

Binigyang-diin niya na nagsimula ang pagpapataw ng travel tax 70 taon na ang nakararaan, kaya nararapat lamang aniya na suriin ang naturang polisiya. Kamakailan lamang ay inaprubahan na rin ng House Committee on Tourism ang sarili nitong bersyon ng panukalang batas.

 ###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN