Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Seeks Empirical Proof to Justify Extending Barangay, SK officials’ Terms to 5 Years

Senate President Win Gatchalian called on concerned government agencies to present solid, empirical studies demonstrating that extending the term of barangay and Sangguniang Kabataan officials from 4 to 5 years would genuinely translate into better public service and governance.

“At the end of the day, it should improve governance both with the barangay and also with the SK,” Gatchalian said at a recent Senate hearing on a proposed measure extending the term of barangay and SK officials to 5 years.

Specifically directing representatives of the Department of the Interior and Local Government (DILG) and the National Youth Commission (NYC), Gatchalian asked for concrete research demonstrating the tangible benefits of a 5-year term across critical sectors, including public health, peace and order, and anti-drug efforts.

“Ang mahabang termino sa magagaling na kapitan, okay ‘yun. Pero ang mahabang termino sa bulok na kapitan, may problema tayo sa ating mga constituents. We need to demonstrate to our voters that the increase in term will benefit them and improve governance, service delivery, and the training of our youth,” he emphasized. 


Gatchalian: Dapat May Matibay na Ebidensya para Bigyang Katwiran ang Pagpapalawig sa 5 taong Panunungkulan ng Barangay, SK Officials 

Nanawagan si Senate President Win Gatchalian sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na maglatag ng matibay na mga pag-aaral at datos na magpapatunay na ang pagpapalawig ng termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan mula 4 hanggang 5 taon ay tunay na magreresulta sa mas mahusay na serbisyo publiko at pamamahala.

“Sa huli, dapat mapabuti nito ang pamumuno sa mga barangay at ganun din sa SK,” sabi ni Gatchalian sa isang nakaraang pagdinig sa Senado ukol sa panukalang batas na nagpapalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at SK sa 5 taon.

Partikular na hiniling ni Gatchalian mula sa mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng National Youth Commission (NYC) na maglatag ng kongkretong mga pag-aaral na nagpapakita ng aktuwal na benepisyo ng limang taong termino sa mahahalagang sektor, kabilang ang public health, peace and order, at mga inisyatibo laban sa iligal na droga.

“Ang mahabang termino sa magagaling na kapitan, okay ‘yun. Pero ang mahabang termino sa bulok na kapitan, may problema tayo sa ating mga constituents. Kailangan nating maipakita na ang pagpapahaba sa termino ay magbibigay ng benepisyo at magpapa-ayos sa pamumuno at magpapaganda ng serbisyo at pagsasanay para sa ating mga kabataan,” pagdiin ni Gatchalian. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN