Senate President Win Gatchalian renewed his push for the immediate enactment of the proposed waste-to-energy (WTE) measure, following the President’s pronouncement that planned WTE facilities are the “only solution” to the country’s garbage mismanagement problem.
Gatchalian, author of Senate Bill No. 365 or the Waste-to-Energy Act, said the President’s statement underscores the urgency of a long-term solution to the country’s worsening waste problem, as underscored by the waste buildup following the recent southwest monsoon or habagat.
“Sa WTE, mawawala na ang mga basura sa mga kanal na siyang dahilan ng mga pagbaha. Instead of clogging waterways, garbage would be diverted to power plants for additional power supply,” Gatchalian said.
The Philippines generates an average of 22.9 million metric tons of waste annually. Based on the historical average annual growth rate of 1.72% from 2020 to 2024, waste generation is projected to reach 29.60 million metric tons by 2040.
Gatchalian’s measure seeks to establish a comprehensive framework for the WTE industry and requires WTE strategies to be incorporated into national, provincial, and local solid waste management plans. The senator also emphasized the environmental safeguards stipulated in the bill, which he underscored in two privilege speeches.
Gatchalian Muling Isinusulong ang WTE Habang Lumalala ang Pagbaha Dahil sa Tambak na Basura
Muling iginiit ni Senate President Win Gatchalian ang agarang pagsasabatas ng panukalang waste-to-energy (WTE) matapos ideklara ng Pangulo na ang mga isinusulong na WTE facility ang “tanging solusyon” sa problema ng maling pamamahala ng basura sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, may-akda ng Senate Bill No. 365 o Waste-to-Energy Act, binibigyang-diin ng pahayag ng Pangulo ang pangangailangan para sa pangmatagalang solusyon sa lumalalang problema sa basura, lalo na’t nakita ang pagdami ng tambak na basura kasunod ng mga pag-ulan dulot ng habagat.
“Sa WTE, maiiwasan nating mapunta ang mga basura sa mga kanal na nagiging sanhi ng pagbaha. Sa halip na bumara sa mga daluyan ng tubig, maaari itong i-convert sa enerhiya sa mga power plant upang makapagbigay ng karagdagang suplay ng kuryente,” ani Gatchalian.
Tinatayang umaabot sa 22.9 milyong metriko tonelada ng basura ang naiipon ng Pilipinas kada taon. Batay sa average annual growth rate na 1.72% mula 2020 hanggang 2024, inaasahang aabot sa 29.60 milyong metriko tonelada ang basurang maiipon pagsapit ng 2040.
Layon ng panukala ni Gatchalian na magtatag ng ‘comprehensive framework’ para sa industriya ng WTE at isama ang mga estratehiya nito sa mga pambansa, panlalawigan, at lokal na plano sa pamamahala ng solid waste. Binigyang-diin din ng senador ang mga environmental safeguard na nakapaloob sa panukala, na kanyang tinalakay sa dalawang privilege speech.
# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN