Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Renews Push for GINHAWA Bill Amid Persistent Inflation Pressures

Amid continuing price pressures affecting Filipino households and small businesses, Senate President Win Gatchalian renewed his call for the swift enactment of the proposed Granting Increase in Take-home Pay for All Working Filipinos (GINHAWA) Act.

Gatchalian noted that while headline inflation eased to 6.4% in June, core inflation, which excludes volatile food and energy prices, rose for the sixth straight month to 4.4%, its highest level since November 2023.

“While headline inflation has eased, rising core inflation shows that price pressures remain. “Patuloy na tumataas ang presyo ng maraming pangunahing produkto at serbisyo. Dahil dito, mas kaunti ang naiuuwing halaga ng mga manggagawa para sa kanilang pamilya at mas mabigat ang pasanin sa mga maliliit na negosyo,” he said. 

The proposed GINHAWA measure seeks to increase workers’ take-home pay by raising the income tax exemption threshold from P250,000 to P400,000 annual income and increasing the cap on tax-free bonuses from P90,000 to P150,000.

Senate Bill No. 56, as proposed by Gatchalian, would also allow micro enterprises, including sari-sari stores, laundry shops, home-based salons, food stalls, and small online sellers, to claim an additional tax deduction equivalent to 50% of their labor expenses.


Gatchalian Muling Itinutulak ang  GINHAWA Bill Kontra ‘Pressure ng Inflation’

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo na nakaaapekto sa mga pamilyang Pilipino at maliliit na negosyo, muling nanawagan si Senate President Win Gatchalian para sa agarang pagsasabatas ng panukalang Granting Increase in Take-homePay  for All Working Filipinos (GINHAWA) Act.

Binigyang-paesnsin ni Gatchalian na bagama’t bumaba ang headline inflation sa 6.4% noong Hunyo, ang core inflation — o ibig sabihin ay hindi kasama ang pabaago-bagong presyo ng pagkain at enerhiya — ay tumaas sa ikaanim na sunod na buwan sa 4.4%, ang pinakamataas na antas nito mula noong Nobyembre 2023.

“Bagama’t bumaba ang headline inflation, ipinapakita ng tumaas na core inflation na nananatili pa rin ang bigat ng presyo ng mga bilihin. Patuloy na tumataas ang presyo ng maraming pangunahing produkto at serbisyo. Dahil dito, mas kaunti ang naiuuwing halaga ng mga manggagawa para sa kanilang pamilya at mas mabigat ang pasanin sa mga maliliit na negosyo,” aniya.

Layon ng panukalang batas na GINHAWA na itaas ang take-home pay ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng income tax exemption threshold sa P400,000 mula P250,000 ng taunang kita, at pagpapataas sa limitasyon ng tax-free na bonus sa P150,000 mula P90,000.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 56 na isinusulong ni Gatchalian, papayagan din ang mga micro enterprise, kabilang na dito ang mga sari-sari store, laundry shop, home-based salon, food stall, at maliliit na online seller, na mag-claim ng karagdagang tax deduction na katumbas ng 50% ng kanilang mga gastusin sa pagpapasahod. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN