Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Renews Call on DOF, BOC to Curb Smuggling of Tobacco, Vape Products

Senator Win Gatchalian renewed his call on the Department of Finance and the Bureau of Customs to step up government efforts to curb the rampant smuggling of tobacco and vape products.

Gatchalian made the call amid recent reports of smuggled cigarette products, stressing that the reported severe health risks among the youth — including irreversible lung damage and even death — are deeply alarming.

“Sa halip na nakatutok sa pag-aaral, marami sa ating mga kabataan ang nalululong sa paggamit ng vape dahil madali at murang nabibili ang mga smuggled na produktong ito,” Gatchalian said.

Citing a report by the EU-Asean Business Council and Euromonitor International Ltd, the Philippines lost about P141 billion in government revenues to illicit tobacco trade in 2024 and 2025.

The senator emphasized that aside from significant revenue loss and health concerns, the smuggling of tobacco and vape products also weakens the country’s rule of law, fuels institutional corruption, and undermines legitimate businesses.

“Malaking bawas sa kita ng gobyerno ang patuloy na smuggling ng cigarette at vape products. Higit pa riyan, nagdudulot ito ng panganib sa kalusugan ng ating mga kababayan dahil hindi natin tiyak kung saan nagmumula ang mga produktong ito,” he added.


Gatchalian Muling Nananawagan sa DOF, BOC: Supilin ang Smuggling ng Sigarilyo at Vape Products

Muling nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Finance (DOF) at Bureau of Customs (BOC) na paigtingin ang mga hakbang ng pamahalaan upang sugpuin ang talamak na smuggling ng mga sigarilyo at vape products.
Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng mga pinakabagong ulat tungkol sa naipuslit na mga sigarilyo sa bansa at binigyang-diin niya na lubhang nakababahala ang matinding panganib nito sa kalusugan ng kabataan. Kabilang na dito ang permanenteng pinsala sa baga at posibleng maging sanhi ito ng kamatayan.
“Sa halip na nakatutok sa pag-aaral, marami sa ating mga kabataan ang nalululong sa paggamit ng vape lalo na’t maraming murang nabibiling mga smuggled na produktong ito,” ani Gatchalian.
Batay sa ulat ng EU-Asean Business Council at Euromonitor International Ltd, nawalan ang Pilipinas ng humigit-kumulang P141 bilyon sa kita ng pamahalaan dahil sa iligal na kalakalan ng tabako o sigarilyo noong 2024 at 2025.
Binigyang-diin ng senador na bukod sa malaking kawalan sa kita ng bansa at mga banta sa kalusugan, nagpapahina rin sa pagpapatupad ng batas ang smuggling ng sigarilyo, nagpapasiklab ng korapsyon sa mga institusyon, at nagpapahina sa mga lehitimong negosyo.
“Malaking bawas sa kita ng gobyerno ang patuloy na smuggling ng mga sigarilyo at vape products. Higit pa riyan, nagdudulot ito ng panganib sa kalusugan ng ating mga kababayan dahil hindi natin tiyak kung saan nagmumula ang mga produktong ito,” dagdag pa niya.
###