Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Pushes Swift GINHAWA Approval to Boost Workers’ Take-Home Pay

Senate President Win Gatchalian expressed strong confidence that the proposed Granting Increase in Take-home Pay for All Working Filipinos Act or GINHAWA, which seeks to grant tax relief to minimum-wage earners, would soon hurdle Senate approval following the Lower House’ approval of its version. 

Gatchalian said the enactment of the measure is critical amid the country’s dismal second-quarter economic growth of 2.3%, attributed in part to a sharp decline in household consumption. “Pump priming can raise economic activity, but a stronger recovery depends on faster output and significant growth in household consumption,” Gatchalian said.

He emphasized that the measure would increase the disposable income of minimum wage earners, which has been further eroded by high inflation.

Authored by Gatchalian, Senate Bill No. 56 seeks to increase the take-home pay of ordinary Filipino workers by raising the income tax exemption threshold from P250,000 to P400,000 in annual income and increasing the cap on tax-free bonuses to P150,000 from P90,000.

The measure is part of the Legislative-Executive Development Advisory Council’s (LEDAC’s) priority agenda. The House version proposes raising the income tax exemption ceiling to P350,000.


Gatchalian Isinusulong ang Mabilis na Pag-Apruba sa GINHAWA para Mapataas ang Take-Home Pay ng mga Manggagawa

Ipinahayag ni Senate President Win Gatchalian ang kaniyang matibay na kumpiyansa na ang panukalang Granting Increase in Take-home Pay for All Working Filipinos Act o GINHAWA, na naglalayong magkaloob ng bawas-buwis sa mga kumikita ng minimum wage, ay mabilis na makakapasa sa Senado kasunod ng pag-aapruba ng mababang kapulungan sa bersyon nila. 

Sinabi ni Gatchalian na napakahalaga ng pagsasabatas ng panukala sa gitna ng mababang 2.3% na paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikalawang quarter, na bahagyang idinulot ng malaking pagbaba sa household consumption.

“Maitataguyod ng ‘pump priming’ ang aktibidad sa ekonomiya, ngunit ang mas malakas na pagbangon ay nakadepende sa mas mabilis na produksyon at makabuluhang paglago sa konsumo ng mga Pilipino,” ayon kay Gatchalian.

Binigyang-diin niya na tataas sa pamamagitan ng panukalang ito ang disposable income ng mga kumikita ng minimum wage, na lalo pang nabawasan dahil sa mataas na inflation.

Ang Senate Bill No. 56, na iniakda ni Gatchalian, ay naglalayong pataasin ang take-home pay ng mga karaniwang manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng pagtaas ng limitasyon para sa libre sa buwis (income tax exemption threshold) sa P400,000 na taunang kita mula P250,000, at pagtaas sa limitasyon ng mga bonus na walang buwis sa P150,000 mula P90,000.

Ang panukala ay bahagi ng priority agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Samantala, ipinapanukala naman sa bersyon ng Mababang Kapulungan na itaas ang limitasyon sa libre sa buwis na kita sa P350,000.  

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN