Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Pushes Swift Activation of ASEAN Petroleum Security Pact Amid Global Energy Volatility

Senator Win Gatchalian is pushing for the accelerated implementation of the ASEAN Petroleum Security Agreement (APSA), warning that the Middle East crisis has heightened instability in global energy markets.

He emphasized that with the Philippines hosting this year’s ASEAN Summit, the country is in a prime position to lead the region toward energy resilience and should place the operationalization of APSA at the top of the agenda to shield member states from potential supply shocks.

He said one intervention is the Coordinated Emergency Response Measures (CERM), where ASEAN member states shall endeavor to supply petroleum to any member state facing a critical shortage of at least 10% of normal domestic needs for 30 straight days.

“The ongoing conflict in the Middle East highlights just how easily external shocks can compromise our energy supplies, threatening the economic growth of ASEAN member states,” said Gatchalian, chair of the Senate PROTECT ad hoc committee.

Signed in 2009, APSA employs the principle of mutual aid and assistance among ASEAN member states during times of energy emergency to stabilize petroleum supply.

“Bilang host ng ASEAN Summit ngayong taon, mayroon tayong plataporma para gawing buhay at aktibo ang matagal nang kasunduan na ito,” he added.


Gatchalian Isinusulong ang ASEAN Petroleum Security Pact sa Gitna Pabago-Bagong Presyo ng Enerhiya

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mabilis na pagpapatupad ng ASEAN Petroleum Security Agreement (APSA), kasabay ng babala na ang krisis sa Gitnang Silangan ay nagpalala sa instability o kawalang-katiyakan sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.
Binigyang-diin niya na dahil ang Pilipinas ang host ng ASEAN Summit ngayong taon, nasa mainam na posisyon ang bansa upang pamunuan ang rehiyon tungo sa katatagan ng enerhiya. Aniya, dapat ilagay sa prayoridad ang pagpapatakbo sa APSA upang protektahan ang mga kasaping bansa mula sa posibleng kakulangan sa suplay.

Sinabi niya na isa sa mga posibleng intervention ang Coordinated Emergency Response Measures (CERM). Sa ilalim nito, ang mga kasaping bansa ng ASEAN ay magtutulungan upang magpadala ng suplay ng petrolyo sa sinumang miyembrong nahaharap sa krisis o kakulangan ng hindi bababa sa 10% ng kanilang normal na pangangailangan sa loob ng 30 sunud-sunod na araw.
“Ang patuloy na tunggalian sa Gitnang Silangan ay nagpapakita kung gaano kadaling makompromiso ang suplay ng ating enerhiya dahil sa mga external shock, na banta sa paglago ng ekonomiya ng mga bansang kasapi ng ASEAN,” ani Gatchalian, na siyang chairman ng Senate PROTECT ad hoc committee.

Nilagdaan noong 2009, ginagamit ng APSA ang prinsipyo ng mutual aid o pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembrong bansa ng ASEAN sa panahon ng emergency sa enerhiya upang mapanatiling matatag ang suplay ng petrolyo.

“Bilang host ng ASEAN Summit ngayong taon, mayroon tayong plataporma para gawing buhay at aktibo ang matagal nang kasunduan na ito,” dagdag pa niya.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN