Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Pushes Stricter Global Rules on Nuclear Safety, Security

Senator Win Gatchalian is pushing for the adoption of global nuclear standards in the country by supporting the ratification of certain conventions to ensure the safety and security of nuclear technology use, such as in energy generation.

The senator was referring to the Convention on Supplementary Compensation for Nuclear Damage, the Convention on Nuclear Safety, the Protocol to Amend the Vienna Convention on Civil Liability for Nuclear Damage, and the Joint Convention on the Safety of Spent Fuel Management and on the Safety of Radioactive Waste Management, which were tackled at a recent Senate hearing. The four conventions are under review for ratification by the Senate.

Gatchalian also inquired about the implementation of Republic Act No. 12305, or the Philippine National Nuclear Energy Safety Act, which provides for the creation of the Philippine Atomic Energy Regulatory Authority, the country’s independent nuclear regulator mandated to oversee the safe, secure, and peaceful use of nuclear energy and radiation sources.

“Mahalagang pag-aralan na isama ang nuclear energy sa energy mix ng bansa sa gitna ng pabago-bagong presyo ng gasolina sa buong mundo, ngunit kailangan din nating unahin ang mahigpit na mga pamantayan sa kaligtasan bago ito ganap na gamitin,” Gatchalian said.


Gatchalian Isinusulong ang Mas Mahigpit na Pandaigdigang Alituntunin sa ‘Nuclear Safety at Security’

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagpapatupad ng mga pandaigdigang pamantayang pang-nuclear sa bansa sa pamamagitan ng pagsuporta sa ratipikasyon ng ilang mga kombensiyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng paggamit ng teknolohiyang nukleyar, gaya ng sa energy generation.

Ang tinutukoy ng senador ay ang Convention on Supplementary Compensation for Nuclear Damage, ang Convention on Nuclear Safety, ang Protocol to Amend the Vienna Convention on Civil Liability for Nuclear Damage, at ang Joint Convention on the Safety of Spent Fuel Management and on the Safety of Radioactive Waste Management. Ang mga ito ay tinalakay sa isang nakaraang pagdinig sa Senado at kasalukuyang sinusuri para sa ratipikasyon ng Senado.

Sa naturang pagdinig din, nagtanong si Gatchalian tungkol sa pagpapatupad ng Republic Act No. 12305, o ang Philippine National Nuclear Energy Safety Act, na nagtatakda sa paglikha ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority. Ito ang magsisilbing independent nuclear regulator ng bansa na may mandatong bantayan ang ligtas at tiyak na paggamit ng nuclear energy at radiation sources.

“Mahalagang pag-aralan na isama ang nuclear energy sa energy mix ng bansa sa gitna ng pabago-bagong presyo ng gasolina sa buong mundo, pero kailangan din nating unahin ang mahigpit na mga pamantayan sa kaligtasan bago ito ganap na gamitin,” ani Gatchalian.

###