Senator Win Gatchalian seeks to ensure that national government agencies fully comply with the provisions of the 2026 General Appropriations Act (GAA), strengthening fiscal management and preventing the misuse of public funds.
“There is a need to ensure that priority programs to advance quality education, provide adequate and accessible healthcare, and promote long-term food security are implemented alongside the safeguarding of the integrity of the budget and the institutionalization of reforms centered on a more transparent, fiscally disciplined, and accountable use of public funds,” Gatchalian said as he filed proposed Senate Resolution No. 299.
The chair of the Senate Committee on Finance stressed that it is not enough for the GAA to merely reflect a people-centered budget. “Sa gitna ng tumataas na pangangailangan ng bansa sa paggasta, dapat tiyakin natin na ang bawat paglabas ng pondo ay naaayon sa 2026 GAA at nagagamit nang tama,” he emphasized.
To promote transparency and accountability, the 2026 GAA requires all agencies to create an online infrastructure dashboard showing project details and documents, funding sources, procurement methods, proof of coordination with local governments, and quarterly updates with geo-tagged photos of ongoing projects, he added.
Gatchalian: Bantayan ang mga Ahensya sa Implementasyon ng mga Proyektong Nasa 2026 Budget
Layon ni Senador Win Gatchalian na tiyaking ganap na sumusunod ang mga ahensya ng pamahalaan sa mga probisyon ng 2026 General Appropriations Act (GAA) upang patatagin ang fiscal management ng bansa at pigilan ang maling paggamit ng pondo ng bayan.
“Kailangang tiyakin na ang mga prayoridad na programa para isulong ang dekalidad na edukasyon, sapat at abot-kayang serbisyong pangkalusugan, at pangmatagalang seguridad sa pagkain ay naipatutupad kasabay ng pagprotekta sa integridad ng pambansang budget at pag-institutionalize ng mga repormang nakatuon sa mas transparent, disiplinado, at accountable na paggamit ng pondo ng bayan,” sabi ni Gatchalian kasabay ng paghahain ng panukalang Senate Resolution No. 299.
Binigyang-diin ng chairman ng Senate Committee on Finance na hindi lang sapat na ang GAA ay sumasalamin sa isang budget na nakasentro sa tao. “Sa gitna ng tumataas na pangangailangan ng bansa sa paggasta, dapat tiyakin natin na ang bawat paglabas ng pondo ay naaayon sa 2026 GAA at nagagamit nang tama,” aniya.
Upang itaguyod ang transparency at accountability, inaatasan ng 2026 GAA ang lahat ng ahensya na gumawa ng isang online infrastructure dashboard na nagpapakita ng mga detalye at dokumento ng proyekto, pinagmumulan ng pondo, paraan ng procurement, patunay ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, at quarterly updates na may mga geo-tagged na larawan ng mga kasalukuyang proyekto, dagdag pa ng senador.
# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN