Senate President Win Gatchalian has filed a bill seeking to accelerate the country’s transition to electric vehicles (EVs) through additional incentives aimed at reducing dependence on oil imports.
“We need to break our economy’s dependence on foreign oil by accelerating the transport sector’s shift to EVs,” Gatchalian said, noting that spikes in global crude and refined petroleum prices have led to some of the steepest increases in domestic fuel prices.
Senate Bill No. 2270 seeks to amend Republic Act No. 11697, or the Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), mainly authored by Gatchalian. The bill extends the validity of fiscal and non-fiscal incentives from eight to 12 years and imposes a zero percent import duty on electric vehicles, as well as related equipment and infrastructure.
The measure introduces additional non-fiscal incentives for EV users, including waived or discounted parking fees, toll-free access to dedicated EV expressway lanes, and a Buy Now, Register Later program.
The bill also increases the minimum allocation of exclusive EV parking slots to 20% of total parking spaces, with a 5% increase every five years.
The DOE earlier said that permitting delays are slowing the rollout of EV charging stations in the Philippines.
###
Gatchalian Naghain ng Panukala: Dagdagan ang ‘EV Incentives’, Bawasan ang Pagdepende sa Imported na Langis
Ipinanukala ni Senate President Win Gatchalian ang isang panukalang batas na layong pabilisin ang paglipat ng bansa sa electric vehicles (EVs) sa pamamagitan ng dagdag na mga insentibo, bilang hakbang upang mabawasan ang pag-asa ng Pilipinas sa inaangkat na langis.
“Kinakailangan nating putulin ang pagdepende ng ating ekonomiya sa imported na langis sa pamamagitan ng pagpapabilis ng paglipat ng sektor ng transportasyon sa EV,” pahayag ni Gatchalian, at binigyang-diin na ang pagtaas ng presyo ng krudo at refined petroleum sa pandaigdigang pamilihan ay isa sa mga pangunahing dahilan ng matitinding pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.
Layon ng Senate Bill No. 2270 na amyendahan ang Republic Act No. 11697 o ang Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), na pangunahing isinulong din ni Gatchalian. Sa ilalim ng panukala, palalawigin mula walo hanggang 12 taon ang bisa ng mga fiscal at non-fiscal incentives, at ipapataw ang zero percent import duty sa mga electric vehicle, gayundin sa mga kaugnay na kagamitan at imprastraktura.
Isinusulong din ng panukala ang dagdag na non-fiscal incentives para sa mga gumagamit ng EV, kabilang ang libre o may diskwentong parking fees, libreng access sa mga nakalaang EV expressway lanes, at Buy Now, Register Later program.
Itataas din ng panukala sa 20% ng kabuuang parking spaces ang minimum na alokasyon para sa EV-exclusive parking slots, na may dagdag na 5% kada limang taon.
Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang mga pagkaantala sa permitting ang isa sa mga dahilan ng mabagal na paglaganap ng EV charging stations sa bansa.
###