Senator Win Gatchalian said the government should now prepare for a supplemental budget to shield Filipinos from the economic fallout in the event the Middle East conflict persists.
The Senate PROTECT and Finance chair warned that sustaining the social amelioration program could require an additional P60 billion to P400 billion in a worst-case scenario if the Middle East conflict drags on.
“Kailangan talaga ng supplemental budget or Bayanihan 3. Halimbawa, pwedeng magbigay ng loan reprieve, sa credit card pwedeng hindi i-charge ng interest for the next one or two months. Maraming components ‘yan,” the senator said.
A preliminary report by PROTECT submitted to Malacañang recommends a targeted relief package, including P1,500 monthly aid for 5 million minimum wage earners and MSME workers costing P7.5 billion. It also proposes P1,500 monthly cash top-ups for 3.5 million 4Ps beneficiaries costing P15.75 billion over three months.
The report further calls for expanding support to near-poor and newly vulnerable households, with P3,000 monthly assistance for 1.4 million families costing P4.2 billion per month, alongside scaling up the Walang Gutom Program to strengthen food security with P3,000 monthly support for another 1.4 million families costing P4.2 billion monthly.
Gatchalian Isinusulong ang Dagdag na Ayuda para sa mga Pilipinong Apektado ng Gulo sa Gitnang Silangan
Sinabi ni Senador Win Gatchalian na dapat nang maghanda ang gobyerno para sa isang supplemental budget upang protektahan ang mga Pilipino mula sa pinsala sa ekonomiya sakaling magpatuloy ang sigalot sa Gitnang Silangan.
Nagbabala ang chairman ng Senate PROTECT at Finance Committees na ang pagpapatuloy ng mga amelioration program ay maaaring mangailangan ng karagdagang P60 bilyon hanggang P400 bilyon sa pinakamalalang sitwasyon kung magtatagal ang tunggalian sa Middle East.
“Kailangan talaga ng supplemental budget o Bayanihan 3. Halimbawa, pwedeng magbigay ng loan reprieve. Sa credit card naman, pwedeng hindi i-charge ng interest para sa susunod na isa o dalawang buwan. Maraming bahagi ‘yan,” ayon sa senador.
Batay sa paunang ulat ng PROTECT na isinumite sa Malacañang, inirerekomenda ang isang targeted relief package na kabilang ang P1,500 buwanang ayuda para sa 5 milyong minimum wage earners at mga manggagawa sa micro, small, amd medium enterprises o MSME na nagkakahalaga ng P7.5 bilyon. Nagpanukala din ng P1,500 buwanang cash top-up para sa 3.5 milyong benepisyaryo ng 4Ps na nagkakahalaga ng P15.75 bilyon sa loob ng tatlong buwan.
Hinihimok din ng ulat ang pagpapalawak ng suporta para sa mga pamilyang “near-poor” at mga bagong bulnerableng sambahayan sa pamamagitan ng P3,000 buwanang financial asistance para sa 1.4 milyong pamilya na nagkakahalaga ng P4.2 bilyon kada buwan. Kasama rin dito ang Pagpapalakas ng Walang Gutom Program sa pamamagitan ng P3,000 buwanang suporta para sa 1.4 milyong pamilya na nagkakahalaga ng P4.2 bilyon kada buwan upang matiyak ang seguridad sa pagkain.
###
