The latest round of oil price hikes is putting further pressure on the purchasing power of Filipino consumers, underscoring the need for the immediate enactment of the GINHAWA measure, Senate President Win Gatchalian said.
Motorists are again confronted with higher pump prices, adding to the financial burden of consumers already grappling with rising living costs.
Gatchalian said continued tensions in the Middle East could further drive global oil prices higher, potentially pushing up local fuel prices and adding to the cost of basic commodities and services, including electricity.
Authored by Gatchalian, Senate Bill No. 56, or the “GINHAWA” measure, also known as the Granting Increase in Take-Home Pay for All Working Filipinos Act, seeks to increase the take-home pay of ordinary Filipino workers by raising the income tax exemption threshold from P250,000 to P400,000 in annual income and increasing the cap on tax-free bonuses from P90,000 to P150,000.
“Kung magpapatuloy ang kaguluhan sa Gitnang Silangan, kailangan nating pabilisin ang pagsasakatuparan ng GINHAWA dahil ang mataas na presyo ng krudo ay lalong magpapahina sa purchasing power ng ating mga kababayan, lalo na ng mga minimum wage earners,” he said.
Gatchalian, muling isinusulong ang GINHAWA sa Gitna ng Pagtaas ng Presyo ng Langis
Ang pinakabagong serye ng pagtaas ng presyo ng langis ay lalong nagpapabigat sa kakayahang bumili ng mga consumer na Pilipino, na nagbibigay-diin sa pangangailangan para sa agarang pagsasabatas ng panukalang GINHAWA, ayon kay Senate President Win Gatchalian.
Muling kinakaharap ng mga motorista ang mas mataas na presyo ng gasolina at krudo, na nagdaragdag sa pinansyal na pasanin ng mga consumer na kasalukuyan nang lumalaban sa tumataas na gastos sa pamumuhay.
Sinabi ni Gatchalian na ang patuloy na tensyon sa Middle East ay maaaring lalo pang magpataas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na posibleng magtulak pataas sa lokal na presyo ng petrolyo at magdagdag sa halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, kabilang ang kuryente.
Isinulat ni Gatchalian ang Senate Bill No. 56, o ang panukalang “GINHAWA,” na kilala rin bilang Granting Increase in Take-Home Pay for All Working Filipinos Act. Layunin nitong pataasin ang iuuwing sweldo ng mga karaniwang manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng pagtataas ng income tax exemption threshold mula ₱250,000 tungong ₱400,000 na taunang kita, at pagtataas ng limitasyon sa mga bonus na walang buwis mula ₱90,000 tungong ₱150,000.
“Kung magpapatuloy ang kaguluhan sa Gitnang Silangan, kailangan nating pabilisin ang pagsasakatuparan ng GINHAWA dahil ang mataas na presyo ng krudo ay lalong magpapahina sa purchasing power ng ating mga kababayan, lalo na ng mga minimum wage earners,” aniya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN