Senator Win Gatchalian called on the government to fast-track the transition of public utility vehicles (PUVs) to electric vehicles (EVs) through the PUV modernization program.
While not an immediate solution to global supply disruptions, the senator emphasized that accelerating the shift to EVs would help reduce long-term exposure to global oil shocks and improve energy security. He said that to achieve a faster transition to EVs in the public transportation sector, the government needs to provide increased financial support for PUV drivers and operators.
“Malaking kabawasan sa pangangailangan ng krudo kung ang public transportation sector ay gagamit na ng EVs,” said Gatchalian, vice-chair of the Senate Committee on Energy.
PUV drivers and operators of EVs are essentially insulated from oil price volatilities, ensuring more stable income, the senator explained. “With the growing network of charging stations, they face lower operating costs and can avoid long lines at gas stations,” he said.
Further, PUV operators and drivers who choose EVs would enjoy an excise tax exemption, significantly lowering purchase costs compared with internal combustion vehicles, he said. Gatchalian added that EVs’ lower exposure to fuel price swings could help limit fare hikes.
Other EV incentives include priority vehicle registration and renewal with the LTO and access to public charging infrastructure. These are the benefits provided under the Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) authored by Gatchalian.
Gatchalian Hinimok ang Pagpapabilis ng Paglipat ng PUVs sa EV
Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa pamahalaan na pabilisin ang transisyon ng mga public utility vehicles (PUVs) patungo sa paggamit ng electric vehicles (EVs) sa pamamagitan ng PUV modernization program.
Bagama’t hindi ito kagyat na solusyon sa mga aberya sa suplay ng langis sa mundo, binigyang-diin ng senador na ang pagpapabilis sa paglipat sa EV ay makatutulong upang mabawasan ang pangmatagalang epekto ng mga oil shocks at mapabuti ang seguridad sa enerhiya ng bansa. Sinabi niya na para mapabilis ang paglipat sa EV sa sektor ng pampublikong transportasyon, kailangan ng gobyerno na dagdagan ang tulong pinansyal para sa mga driver at operator ng PUV.
“Malaking kabawasan sa pangangailangan ng krudo kung ang public transportation sector ay gagamit na ng EVs,” ani Gatchalian, na siyang vice-chair ng Senate Committee on Energy.
Ipinaliwanag ng senador na ang mga driver at operator ng mga EV ay protektado mula sa paiba-ibang presyo ng langis at tinitiyak ang mas matatag na kita. “Sa lumalawak na network ng mga charging station, mas mababa ang kanilang operating costs at maiiwasan pa nila ang mahabang pila sa mga gasolinahan,” dagdag pa ng senador.
Bukod dito, ang mga PUV operator at driver na pipili ng mga EV ay makikinabang sa excise tax exemption, na nagpapababa sa purchase costs kumpara sa mga internal combustion engines. Sinabi rin ni Gatchalian na ang mas mababang pagdepende ng mga EV sa presyo ng langis ay makatutulong upang limitahan ang pagtaas ng pasahe.
Kabilang sa iba pang mga insentibo para sa EV ang prayoridad sa registration at renewal sa LTO at access sa mga pampublikong charging infrastructure. Ito ay mga benepisyong nakapaloob sa Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) na iniakda at isinulong ni Gatchalian.
# # #
