During the Philippine Products Week, Senate President Win Gatchalian called for stronger public-private collaboration to develop export-quality Philippine products and create much-needed employment opportunities.
Amid headwinds from slower economic growth and global financial uncertainties, both the public and private sectors should aggressively scale up the development of export-quality products to enhance job creation and generate dollar revenues, he said.
Gatchalian emphasized that Republic Act 11960, or the One Town, One Product (OTOP) Philippines Act, which he co-authored, should be implemented comprehensively in order to provide meaningful assistance for micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) in developing and scaling up local products.
The Senate President said empowering MSMEs to produce world-class products is crucial to strengthening the economy and creating sustainable jobs, especially amid global volatility.
“Ramping up the development of homegrown products for the global stage is a necessary economic shield. When we transform a local, community-based product into a globally competitive export, we are not just selling goods, we are generating long-term jobs for our people,” Gatchalian said.
Gatchalian Isinusulong ang mga Produktong Pang-Export para Makalikha ng Trabaho
Sa ginanap na Philippine Products Week, nanawagan si Senate President Win Gatchalian ng mas matibay na pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor para mapaunlad ang mga produktong Pilipino na pasok sa international standards at makalikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho.
Sa gitna ng mabagal na paglago ng ekonomiya at mga pandaigdigang kawalan ng katiyakan sa pananalapi, dapat mas agresibong paigtingin ng gobyerno at pribadong sektor ang pagbuo ng mga produktong pasok sa international standards upang makalikha ng mas maraming trabaho at kumita ng mas maraming dolyar para sa bansa, aniya.
Binigyang-diin ni Gatchalian na ang Republic Act 11960 o ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Act, kung saan isa siya sa mga may-akda, ay dapat na komprehensibong ipatupad upang makapagbigay ng makabuluhang tulong sa mga micro, small, at medium-sized enterprise (MSME) sa pagpapaunlad ng mga lokal na produkto.
Sinabi ng Senate President na mahalagang bigyan ng mas malaking suporta at kakayahan ang mga MSME para makagawa ng world-class na mga produkto. Makakatulong ito para mapalakas ang ekonomiya at makalikha ng mas maraming pangmatagalang trabaho, lalo na sa gitna ng pabago-bagong sitwasyon sa buong mundo.
“Ang pagpapalakas ng pagbuo ng mga produktong sariling atin para sa pandaigdigang merkado ay mahalaga para maprotektahan ang ating ekonomiya. Kapag nagawa nating globally competitive ang mga lokal na produktong gawa ng ating mga komunidad, hindi lang tayo nagbebenta ng mga produkto. Lumilikha rin tayo ng pangmatagalang trabaho para sa ating mga kababayan,” ani Gatchalian.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN