Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Pushes Agricultural Information System to Shield Farmers, Consumers from El Niño

As the country braces for the impact of El Niño, Senate President Pro Tempore Win Gatchalian underscored the urgent need of an agricultural information system to prevent the manipulation of basic food prices and ensure data-driven interventions to protect consumers and farmers.  

“To prevent price manipulation that drives up food costs during weather disturbances such as El Niño, we need an agricultural information system that provides accurate data on key commodities and helps farmers secure fair value for their produce,” said Gatchalian, author of Senate Bill No. 1653, or the Agriculture Information System (AIS) Act.

In the case of rice, for instance, Gatchalian said the Department of Agriculture has warned that a severe El Niño could reduce rice output by up to 700,000 metric tons, potentially leading to increased imports that could undermine local production.

“Ang AIS ay magbibigay ng kailangang impormasyon para mapalakas ang farm production sa bansa para makamit natin ang food security at mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain,” he added.

Gatchalian’s proposed AIS would be a DA-managed online database that gathers real-time supply-and-demand data on agricultural and fisheries commodities, including production information from farmers in every barangay. 


Gatchalian Isinusulong ang Agricultural Information System para Protektahan ang mga Magsasaka, Konsyumer Laban sa El Niño

Habang naghahanda ang bansa sa epekto ng El Niño, binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian ang pangangailangan para sa agricultural information system upang mapigilan ang manipulasyon sa presyo ng mga pangunahing pagkain at matiyak ang mga interbensyong nakabatay sa datos para maprotektahan ang mga konsyumer at magsasaka.

“Upang mapigilan ang price manipulation na nagpapataas ng halaga ng pagkain tuwing may mga kalamidad tulad ng El Niño, kailangan natin ng isang agricultural information system na magbibigay ng maayos na datos hinggil sa mga pangunahing bilihin at tutulong sa mga magsasaka na makakuha ng patas na halaga para sa kanilang mga ani,” ani Gatchalian, na may-akda ng Senate Bill No. 1653, o ang Agriculture Information System (AIS) Act.

Sa usapin ng bigas, halimbawa, sinabi ni Gatchalian na nagbabala na ang Department of Agriculture (DA) na ang malubhang El Niño ay maaaring magpababa sa produksyon ng bigas nang hanggang 700,000 metric tons. Posible aniya itong magdulot ng pagtaas ng importasyon na maaaring magpahina sa lokal na produksyon.

“Ang AIS ay magbibigay ng kailangang impormasyon para mapalakas ang farm production sa bansa para makamit natin ang food security at mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain,” dagdag pa niya.

Ang iminumungkahing AIS ni Gatchalian ay magiging isang online database na pamamahalaan ng DA. Kukunin nito ang real-time na datos ng supply-and-demand para sa mga produkto ng agrikultura at pangingisda, kabilang ang impormasyon sa produksyon mula sa mga magsasaka sa bawat barangay.

 ###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN