Senate President Win Gatchalian said the proposed revision of the country’s cooperative framework is expected to help propel national economic growth and spur countryside development.
“We hope that by strengthening the framework for the creation of cooperatives, different segments of society, including those from the informal sector, would be better equipped for financial inclusion and economic development,” said Gatchalian. The Senate recently approved on third and final reading Senate Bill 1431, or the Revised Cooperative Code of the Philippines. The Senate President is a co-author of the measure.
“Ngayong maraming hamon ang hinaharap ng bansa, mas kailangan nating palakasin ang mga kooperatiba para mapabilis ang pag-unlad sa bansa,” he said, emphasizing that empowering cooperatives directly boosts member productivity and fosters sustainable, inclusive progress across the country.
Since the 19th Congress, Gatchalian has been pushing to remove the requirement for cooperatives to submit their members’ tax identification numbers to remain eligible for tax incentives under the cooperative code.
The proposed measure seeks to simplify the registration process for cooperatives, strengthen governance, transparency, and accountability standards, and modernize operations to accommodate shifts in the modern economy and emerging technologies.
Gatchalian: Panukalang pagbabago sa cooperative code, inaasahang magiging pundasyon ng paglago ng ekonomiya
Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na ang panukalang pagbabago sa framework ng mga kooperatiba sa bansa ay inaasahang makatutulong sa pagpapabilis ng pambansang paglago ng ekonomiya at sa pagpapasigla ng kaunlaran sa mga lalawigan.
“Inaasahan natin na sa pamamagitan ng pagpapatibay sa framework para sa pagtatag ng mga kooperatiba, ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang mula sa informal sector, ay magiging mas handa para sa financial inclusion at pag-unlad ng ekonomiya,” ani Gatchalian.
Inaprubahan kamakailan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 1431, o ang Revised Cooperative Code of the Philippines. Ang Pangulo ng Senado ay isa sa mga co-author ng panukala.
“Ngayong maraming hamon ang hinaharap ng bansa, mas kailangan nating palakasin ang mga kooperatiba para mapabilis ang pag-unlad sa bansa,” aniya, habang binibigyang-diin na ang pagpapalakas sa mga kooperatiba ay direktang nagpapataas ng lebel ng produksyon ng mga kasapi at nagtataguyod ng patuloy at pangkalahatang pag-unlad sa buong bansa.
Simula noong ika-19 na Kongreso, isinusulong na ni Gatchalian ang pag-alis sa requirement para sa mga kooperatiba na magsumite ng tax identification number ng kanilang mga kasapi upang manatiling kwalipikado sa mga insentibo sa buwis sa ilalim ng cooperative code.
Layunin ng panukalang batas na padaliin ang proseso ng rehistrasyon para sa mga kooperatiba, patatagin ang mga pamantayan sa pamamahala, ketapatan, at pananagutan, at i-modernisa ang mga operasyon upang umangkop sa mga pagbabago sa makabagong ekonomiya at mga umuusbong na teknolohiya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN