Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: Proposed 2027 Budget Must Spur Economic Growth

Senate President Win Gatchalian said the country’s national budget for next year should help stimulate economic growth amid global financial headwinds, including persistently high petroleum prices and the threat of a severe El Niño.

The Department of Budget and Management (DBM) has proposed a P7.2 trillion national budget for 2027, up 6% from this year’s P6.793 trillion and equivalent to 21.7% of gross domestic product (GDP).

“Our national budget for next year should help stimulate economic activities to counteract global and domestic challenges, including the need to manage ballooning debt,” said Gatchalian, who spearheaded legislation of this year’s national budget.
Even as he highlighted the need for a stimulus-oriented budget, the Senate President emphasized that the Senate will thoroughly scrutinize the proposed budget to ensure that every peso counts. As chair of the Senate Committee on Finance last year, Gatchalian pushed for landmark budgeting reforms that include provisions ensuring transparency and accountability.

“Bukod sa pagbibigay-prayoridad sa mga programang magpapataas ng kalidad ng buhay ng ating mga kababayan tulad ng imprastraktura, edukasyon, at kalusugan, kailangan din nating tiyakin na ang national budget sa susunod na taon ay hindi maaabuso at magagamit lamang para sa kapakanan ng ating mga kababayan,” he added.


Gatchalian: Dapat Pasiglahin ng Panukalang 2027 Budget ang Paglago ng Ekonomiya

Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na ang pambansang budget ng bansa para sa susunod na taon ay dapat makatulong sa pagpapasigla ng paglago ng ekonomiya sa kabila ng mga pandaigdigang hamon sa pananalapi, kabilang ang patuloy na mataas na presyo ng petrolyo at ang banta ng matinding El Niño.

Nauna nang ipinanukala ng Department of Budget and Management (DBM) ang P7.2 trilyong pambansang budget para sa 2027, na mas mataas ng 6% mula sa P6.793 trilyon ngayong taon at katumbas ng 21.7% ng Gross Domestic Product (GDP).

“Ang ating pambansang budget para sa susunod na taon ay dapat makatulong sa pagpapasigla ng mga pang-ekonomiyang aktibidad upang labanan ang mga pandaigdig at lokal na hamon, kabilang ang pangangailangang pamahalaan ang lumalaking utang,” ani Gatchalian, na nanguna sa batas para sa pambansang budget ngayong taon.

Bagama’t binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa isang pondong nakatutok sa pagpapasigla ng ekonomiya, tiniyak ng Senate President na susuriing mabuti ng Senado ang panukalang budget upang matiyak na bawat piso ay may saysay.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Finance noong nakaraang taon, isinulong ni Gatchalian ang mga makasaysayang reporma sa pagba-budget na kinabibilangan ng mga probisyon na nagtitiyak ng katapatan at pananagutan.
“Bukod sa pagbibigay-prayoridad sa mga programang magpapataas ng kalidad ng buhay ng ating mga kababayan tulad ng imprastraktura, edukasyon, at kalusugan, kailangan din nating tiyakin na ang national budget sa susunod na taon ay hindi maaabuso at magagamit lamang para sa kapakanan ng ating mga kababayan,” dagdag niya.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN