More classrooms, more facilities, more opportunities for deserving students. Senator Win Gatchalian said this is the goal of the P4 billion earmarked in the 2026 national budget to build and upgrade facilities in 114 State Universities and Colleges (SUCs).
According to the chair of the Senate Committee on Finance, the allocation will enable SUCs to expand their enrollment capacity. He noted that limited capacity has forced SUCs to turn away qualified students despite meeting admission requirements.
Analysis by the senator’s office showed that, due to capacity issues, 168,493 students were denied admission despite being qualified for enrollment. Data submitted by 62 SUCs also revealed that 32 have exceeded their capacity, and eleven of these SUCs have already reached 100% occupancy.
“Bagama’t may libreng kolehiyo na tayo, napakarami pa ring kabataan ang hindi nakakapasok dahil kapos ang pasilidad at kapasidad ng ating mga SUCs. Tiyakin nating lahat ng mga mag-aaral ay mabibigyan ng pagkakataong makapagpatuloy ng kanilang edukasyon,” said Gatchalian.
“Kaya naman, sa ilalim ng makasaysayang pondong inilaan natin para sa sektor ng edukasyon, tiniyak nating bawat SUC ay may pondo para palawakin ang kanilang kakayahang tumanggap ng mas marami pang mga mag-aaral,” he added.
_______________________________________________________________________
Gatchalian: P4B Inilaan sa mga SUC Para sa Mas Maraming Pasilidad, Palawakin ang Enrollment
Mas maraming silid-aralan, mas maraming pasilidad, mas maraming oportunidad para sa mga kwalipikadong mag-aaral. Ayon kay Senador Win Gatchalian, ito ang layon ng P4 bilyong inilaan sa 2026 pambansang budget para sa pagpapatayo at pagpapahusay ng mga pasilidad ng 114 State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.
Ayon sa chairperson ng Senate Committee on Finance, makatutulong ang nasabing pondo upang mapalawak ng mga SUC ang kanilang kapasidad sa pagtanggap ng mas maraming mga estudyante. Aniya, dahil sa limitadong kapasidad, napipilitan ang mga SUC na tanggihan ang mga kwalipikadong aplikante kahit na natutugunan nila ang mga requirement sa pagpasok.
Batay sa pagsusuri ng tanggapan ng senador, dahil sa kakulangan sa kapasidad, 168,493 estudyante ang hindi natanggap kahit kwalipikado para makapag-enrol. Ipinakita rin ng datos na isinumite ng 62 SUC na 32 sa mga ito ang lumampas na sa kanilang kapasidad, at labing-isa sa mga SUC na ito ang umabot na sa 100% occupancy.
“Bagama’t may libreng kolehiyo na tayo, napakarami pa ring kabataan ang hindi nakakapasok dahil kapos ang pasilidad at kapasidad ng ating mga SUC. Tiyakin nating lahat ng mga mag-aaral ay mabibigyan ng pagkakataong makapagpatuloy ng kanilang edukasyon,” ani Gatchalian.
“Kaya naman, sa ilalim ng makasaysayang pondong inilaan natin para sa sektor ng edukasyon, tiniyak nating bawat SUC ay may pondo para palawakin ang kanilang kakayahang tumanggap ng mas marami pang mga mag-aaral,” dagdag niya.
# # #
