Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: New voucher law to help decongest public schools: widen access to quality education 

The newly signed Basic Education Voucher Assistance Act is expected to ease congestion in public schools by expanding student access to private schools, Senate President Win Gatchalian said.

“Kinikilala natin ang mga pribadong paaralan bilang ating katuwang sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon. Sa pagsasabatas natin ng Basic Education Voucher Assistance Act, mapapatatag natin ang pakikipagtulungan natin sa mga pribadong paaralan upang tugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan at siksikan sa mga pampublikong paaralan,” said Gatchalian, who co-authored and co-sponsored the measure in the Senate.

The measure forms part of Gatchalian’s legislative work on basic education, which includes the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act. He has also been advocating the aggressive  construction of classrooms to help enhance quality learning in public schools.

Republic Act No. 12327 extends government assistance to private school learners at all levels of basic education, from kindergarten to senior high school. The assistance will be given as vouchers.

The law provides higher subsidy rates for poor and low-income learners, as determined by the Department of Education (DepEd). Priority will go to poor and low-income learners from public schools that DepEd identifies as congested, or from areas without a nearby public school.

“Sa pagpapatupad ng batas na ito, inaasahan nating mas maraming mag-aaral ang magkakaroon ng lugar sa silid-aralan na angkop sa kanilang pangangailangan. Mahalaga na mailatag agad ng DepEd ang mga panuntunan nito upang maramdaman na ng mga pamilya ang benepisyo sa mga susunod na pasukan,” Gatchalian added.


Gatchalian: siksikan sa mga pampublikong paaralan, tutugunan ng bagong voucher assistance law

Inaasahang makatutulong ang bagong lagdang Basic Education Voucher Assistance Act sa paglutas ng siksikan sa mga pampublikong paaralan, habang pinapalawak ang access ng mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan, ayon kay Senate President Win Gatchalian.

“Kinikilala natin ang mga pribadong paaralan bilang ating katuwang sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon. Sa pagsasabatas natin ng Basic Education Voucher Assistance Act, mapapatatag natin ang pakikipagtulungan natin sa mga pribadong paaralan upang tugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan at siksikan sa mga pampublikong paaralan,” ani Gatchalian, co-author at co-sponsor ng naturang batas.

Bahagi ang naturang batas ng mga isinusulong na reporma ni Gatchalian sa basic education, kabilang ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act. Patuloy rin niyang isinusulong ang mas mabilis at malawakang pagpapatayo ng mga silid-aralan upang mapahusay ang kalidad ng pagkatuto sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12327, palalawakin ang tulong ng pamahalaan sa mga mag-aaral sa pribadong paaralan sa lahat ng antas ng basic education, mula kindergarten hanggang senior high school. Ibibigay ang tulong sa pamamagitan ng vouchers.

Mas malaking tulong pinansyal ang matatanggap ng mga mahihirap at low-income learners, batay sa itatakda ng Department of Education (DepEd). Bibigyang prayoridad ang mga mahihirap at low-income learners mula sa mga pampublikong paaralang tinukoy ng DepEd na may siksikan, gayundin ang mga mag-aaral mula sa mga lugar na walang malapit na pampublikong paaralan.

“Sa pagpapatupad ng batas na ito, inaasahan nating mas maraming mag-aaral ang magkakaroon ng lugar sa silid-aralan na angkop sa kanilang pangangailangan. Mahalaga na mailatag agad ng DepEd ang mga panuntunan nito upang maramdaman na ng mga pamilya ang benepisyo sa mga susunod na pasukan,” dagdag ni Gatchalian.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN