Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: National Clean-Up Month Underscores Need to Keep Waterways Free of Garbage 

As the country marks National Clean Up Month this September, Senate President Win Gatchalian called for stronger waste management and garbage disposal programs, noting that recent widespread flooding in Metro Manila and nearby provinces was partly caused by clogged waterways.

“Magsilbi sanang paalala ang paggunitang ito upang paigtingin ang ating disiplina sa pagtatapon ng basura at siguraduhing maayos ang koleksyon at disposal nito. Nakita natin sa nagdaang mga pag-ulan kung paano nabara ang mga daluyan ng tubig dahil sa basura kaya nakadagdag sa paglala ng mga baha at nalagay sa peligro ang ating mga kababayan,” he said.

An advocate of a waste-to-energy program, Gatchalian emphasized that, given the impact of climate change and the vulnerability of the Philippines to typhoons, the country needs to put in place a comprehensive garbage disposal program.

He also pushed for an infrastructure master plan that considers flood-control measures such as pumping stations, underground water storage systems, and embankments.

Gatchalian earlier filed Senate Bill No. 365, or the Waste-to-Energy Act, and Senate Bill No. 1652, which proposes the creation and institutionalization of the Masterplan for Institution and National Development (MIND) Council. 


Gatchalian: National Clean-Up Month Paalala sa Kahalagahan ng Malinis na mga Daluyan ng Tubig

Sa paggunita ng National Clean-Up Month ngayong Setyembre, nanawagan si Senate President Win Gatchalian ng mas mahigpit na mga programa sa waste management at tamang pagtatapon ng basura. Aniya, ang mga nararanasang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ay dulot din ng mga baradong daluyan ng tubig.

“Magsilbi sanang paalala ang paggunita sa National Clean-Up Month upang paigtingin ang ating disiplina sa pagtatapon ng basura at siguraduhing maayos ang koleksyon at disposal nito. Nakita natin sa nagdaang mga pag-ulan kung paano nabara ang mga daluyan ng tubig dahil sa basura, kaya nakadagdag ito sa paglala ng mga baha at nalagay sa peligro ang ating mga kababayan,” ani Gatchalian.

Bilang tagapagtaguyod ng waste-to-energy program, binigyang-diin ni Gatchalian na dahil sa epekto ng climate change at pagiging vulnerable ng Pilipinas sa mga bagyo, kailangan ng bansa ng isang komprehensibong programa para sa maayos na pagtatapon at pamamahala ng basura.

Isinusulong din niya ang isang infrastructure master plan na nagsasaalang-alang sa mga hakbang para sa pagkontrol sa baha tulad ng mga pumping station, underground water storage system, at mga embankment.

Nauna nang inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 365, o ang Waste-to-Energy Act, at Senate Bill No. 1652, na nagmumungkahi sa paglikha at pag-institutionalize ng Masterplan for Institution and National Development (MIND) Council.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN