Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian nanawagang bilisan ang pag-apruba sa ‘Servando Act’

Isang panalong araw sa inyong lahat! Meron na naman estudyanteng namatay nang dahil umano sa hazing ng isang fraternity. Batay sa mga ulat, namatay sanhi ng kidney failure at infection ang biktimang si Ariel Enopre, dalawang linggo matapos siyang sumailalim sa marahas na hazing sa Tagkawayan, Quezon.

Isang panalong araw sa inyong lahat! Meron na naman estudyanteng namatay nang dahil umano sa hazing ng isang fraternity. Batay sa mga ulat, namatay sanhi ng kidney failure at infection ang biktimang si Ariel Enopre, dalawang linggo matapos siyang sumailalim sa marahas na hazing sa Tagkawayan, Quezon.

 

Si Enopre ay isang Information Technology student mula sa Southern Luzon State University o SLSU at diumano siya ay sumali sa Tau Gamma Phi Fraternity na nagsagawa ng hazing noong Oktubre 19.
Noong Oktubre 28, isinugod si Enopre ng kanyang mga magulang sa isang ospital sa Naga City dahil sa paglala ng kanyang kondisyon at patuloy na pananakit ng katawan. Doon na lang nalaman ng kanyang mga magulang na isa sa dahilan ng kanyang kamatayan ay ang bugbog na katawan na naging kumplikado dahil naapektuhan ang kanyang mga internal organs.
Bilang pangunahing may akda ng Servando Act o ang panukalang batas na mag-aamyenda sa umiiral na Anti-Hazing Law, nalulungkot kami sa panibagong insidenteng ito. Sana agad na maresolba ang kaso at nananawagan kami sa pulisya sa Tagkawayan na dakpin at parusahan ang lahat ng sangkot sa pagkamatay ni Enopre.
Simula ng masawi si Guillo Cesar Servando ng DLSU-College of Saint Benilde sa mga kamay ng dapat sana ay mga kapatid niyang ituturing sa Tau Gamma Phi, dalawang insidente ng hazing ang agad na nangyari, una ay kay John Kurt Inventor na isang High School student sa Bacolod City at ito ngang kay Enopre ang pinakahuli.
Ibig sabihin nito, wala pa ring takot ang mga fraternities o sororities sa pagsasagawa ng hazing sa kabila ng marami ng panawagan na tigilan ito bukod pa sa nakaumang na panukalang batas para bigyan ng mabigat na kaparusahan ang sinuman na masasangkot sa ganitong ‘barbaric act’.
Dahil dito, nananawagan kami sa aming mga kasamahan sa Kamara na bilisan ang pag-apruba sa Servando Act. Ilang kabataan pa ba ang hihintayin natin at mababalitaang masasawi nang dahil sa hazing.
Nananawagan din kami sa mga school officials ng iba’t ibang eskwelahan sa buong bansa na makiisa sa aming advocacy na itigil ang ganitong gawain at iligtas ang kanilang mga estudyante sa ganitong marahas na gawain.
At sa lahat ng estudyante, hindi itinuturing na ‘brotherhood’ ang pagsali sa fraternity kung ang isa sa mga requirement nito bago ka makapasok ay saktan ka muna o bugbugin. Kaya dapat mag-isip dahil sayang ang inyong kinabukasan kung dahil sa hazing ay mawawala ang inyong mga adhikain at pangarap ng inyong mga magulang.
_________________________________________________________________________________________________________________________________________
Samantala, sa pamamagitan ng Facebook ay nakatanggap kami ng sulat mula sa isang Jose Cornejo Jr. ng Tagongtong, Camarines Sur. Narito ang kanyang liham.
Sir WIN Gatchalian,
Idudulog ko pa sana sa inyo ang problema ko. Sana mabigyan n’yo po ako ng financial support para makapag-renew ako ng passport. Pupunta po kasi ako sa Al Khobar, Saudi Arabia para magtrabaho bilang kusinero. ‘Yung passport na lang po ang kulang ko.
__________________________________________________________________________________________________________________________________________
Agad namin tinulungan si Ginoong Cornejo Jr. matapos siyang magpadala ng liham sa aking FB page, tumawag din siya sa aming District Office sa Valenzuela City at doon agad na na-arrange ang renewal ng kanyang passport.
Noong Oktubre 30, binigyan namin ng sapat na pera si Ginoong Cornejo para ipambayad sa kanyang passport renewal at hiniling pa namin sa Passport Division ng Department of Foreign Affairs na madaliin ang pag-proseso sa kanya.
Ngayon nakabalik na si Ginoong Cornejo sa kanyang bayan sa Camsur at siguro sa nalalapit na panahon ay makaaalis na siya ng bansa para magtrabaho abroad.
Hangad namin ang iyong tagumpay!