Senator Win Gatchalian is seeking to revise the fuel subsidy trigger formula for the public transport sector, shifting from a fixed price threshold to a percentage-based system to provide immediate relief for public utility vehicle (PUV) drivers amid expectations of further fuel price spikes.
Under the current Pantawid Pasada program, fuel subsidies are triggered when world oil prices hit the $80-per-barrel threshold. Gatchalian is proposing that a certain percentage increase within a week should automatically trigger the release of fuel subsidies for PUV drivers.
Global oil prices are expected to rise substantially in the days ahead amid the ongoing conflict in the Middle East. Dubai crude oil last closed at $68.34 per barrel. Gatchalian said a percentage-based trigger would allow the government to release fuel subsidies when volatility strikes, instead of waiting for prices to reach a fixed threshold.
“Mabilis ang pagtaas ng presyo ng langis pero hindi naman mabilis ang pagtaas ng pamasahe dahil nire-regulate din ito ng LTFRB kaya ang mga naiipit dito ay ang mga PUV drivers,” said Gatchalian.
The Senate Finance Committee chairperson wants to conduct an oversight to determine the cause of the delay in the release of the Pantawid Pasada funds in the past.
Gatchalian: Ireporma ang Fuel Subsidy Program Para Protektahan ang mga PUV Driver sa Taas Presyo ng Langis
Layon ni Senador Win Gatchalian na rebisahin ang ‘trigger formula’ ng subsidiya sa gasolina para sa sektor ng pampublikong transportasyon.
Partikular na sinabi niya na imbes na isang ‘fixed price threshold’ ang batayan ng pamimigay ng fuel subsidy, gawin na lamang itong batay sa isang ‘percentage-based system’ upang mas mabilis ang pamimigay ng tulong sa mga driver ng public utility vehicle (PUV) sa gitna ng inaasahang serye ng pagtaas ng presyo ng langis.
Sa ilalim ng kasalukuyang programang Pantawid Pasada, ibinibigay lamang ang subsidiya kapag ang presyo ng langis sa mundo ay umabot na sa $80 kada bariles. Iminumungkahi ni Gatchalian na ang isang tiyak na porsyento ng pagtaas ng presyo sa loob ng isang linggo ay dapat awtomatiko nang maging trigger factor para ilabas agad ang subsidiya sa mga PUV driver.
Inaasahang tataas nang malaki ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na sagupaan sa Middle East. Ang Dubai crude oil ay huling nagsara sa halagang $68.34 bawat bariles.
Ayon kay Gatchalian, ang ‘percentage-based trigger’ ay magbibigay-daan sa gobyerno na maglabas agad ng subsidiya kapag may biglaang pagbabago sa presyo, sa halip na maghintay pang umabot ito sa isang itinakdang halaga.
“Mabilis ang pagtaas ng presyo ng langis pero hindi naman mabilis ang pagtaas ng pamasahe dahil nire-regulate din ito ng LTFRB kaya ang mga naiipit dito ay ang mga PUV drivers,” ani Gatchalian.
Nais din ng chairperson ng Senate Finance Committee na magsagawa ng oversight upang matukoy ang dahilan ng pagkaantala sa paglalabas ng pondo ng Pantawid Pasada noong mga nakaraang pagkakataon.
# # #
