Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: More College Aid in 2026 Budget to Prioritize Poor Students

More college students from low-income families are set to benefit from government aid as Senator Win Gatchalian highlights an expanded budget for the Tertiary Education Subsidy (TES) this year.

The 2026 national budget allocates ₱30.8 billion for TES to support underprivileged but qualified students, including those from areas without state or local universities and colleges. This is a significant increase from the ₱21.7 billion allocated for TES in 2025 and is expected to benefit around 1.3 million students. At least 200,000 of these slots are reserved for incoming college students from families covered by the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). 

A special provision in the 2026 national budget provides that in the selection of TES beneficiaries, the Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST) should prioritize students under ‘Listahanan 3.0’ and others from low-income households who are not part of ‘Listahanan.’

“Tiniyak natin na ang tulong pinansyal sa kolehiyo ay mapupunta sa mga estudyanteng higit na nangangailangan. Sa ganitong paraan, mas marami ang makakapagpatuloy at makakapagtapos ng kanilang pag-aaral,” said Gatchalian, chair of the Senate Committee on Finance. 


Gatchalian: Mas Malaking Tulong sa Kolehiyo sa 2026 Budget; Prayoridad ang Mahihirap na Estudyante

Mas maraming mag-aaral mula sa mga nangangailangang pamilya ang inaasahang makikinabang sa tulong pinansyal para sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Ito ang tiniyak ni Senador Win Gatchalian sa pagpapatupad ng Tertiary Education Subsidy (TES) ngayong taon. 

Sa ilalim ng 2026 national budget, P30.8 bilyon ang inilaan para sa mga nangangailangan ngunit kwalipikadong mga mag-aaral, kabilang ang mga nagmula sa mga lugar na walang state o local universities at colleges. Mas mataas ito sa P21.7 bilyong inilaan para sa TES noong 2025. Inaasahang 1.3 milyong mga mag-aaral ang makikinabang sa naturang pondo ng programa para sa taong ito. Hindi rin bababa sa 200,000 na slots ang nakalaan para sa mga bagong mag-aaral sa kolehiyo na mula sa mga pamilyang bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). 

Nakasaad din sa isang special provision sa 2026 national budget na sa pagpili ng mga benepisyaryo ng TES, bibigyang prayoridad ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST) ang mga mag-aaral na nasa ilalim ng ‘Listahanan 3.0’ at iba pang mga nangangailangang mag-aaral na hindi bahagi ng ‘Listahanan.’

“Tiniyak natin na ang tulong pinansyal sa kolehiyo ay mapupunta sa mga estudyanteng higit na nangangailangan. Sa ganitong paraan, mas marami ang makakapagpatuloy at makakapagtapos ng kanilang pag-aaral,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance. ###