Senator Win Gatchalian reiterated the need to mobilize Child Protection Committees (CPCs) to aggressively address the persistent incidents of bullying across the country.
“Child Protection Committees are effective against bullying because these are machineries on the ground per school where the community, teachers, and parents are represented. Ang mungkahi ko sa Department of Education ay paigtingin natin ang pagbuo ng CPC sa mga eskwelahan natin para masugpo ang bullying,” said Gatchalian, Vice Chairman of the Senate Committee on Basic Education.
Gatchalian recalled making a similar recommendation during a basic education panel hearing on school bullying last year, which he chaired.
Under DepEd Order No. 40 s. 2012, schools are mandated to form their CPCs to ensure child protection and safety, initiate information dissemination programs, and organize activities for the protection of children from abuse, among others.
Gatchalian last year flagged that only 966 out of more than 45,000 public schools have activated their CPCs.
He also emphasized that the Philippines has the highest incidence of bullying in the last two rounds of the Programme for International Student Assessment (PISA).
Gatchalian: Mga Child Protection Committees Pakilusin Laban sa Bullying
Binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa pagpapakilos sa mga Child Protection Committees (CPC) upang masugpo ang nagpapatuloy na mga insidente ng bullying sa mga paaralan.
“Epektibong makinarya ang mga child protection committees laban sa bullying sa mga komunidad, na kabilang ang mga guro, at mga magulang. Ang mungkahi ko sa Department of Education ay paigtingin natin ang pagbuo ng mga child protection committee o CPC sa mga eskwelahan para masugpo natin ang bullying,” ani Gatchalian, Vice Chairman ng Senate Committee on Basic Education.
Ganito rin ang naging rekomendasyon ng sendor noong nakaraang taon noong pinamunuan niya ang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education ukol sa school bullying.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 40 s. 2012, mandato sa mga paaralang bumuo ng kanilang mga CPC upang tiyakin ang proteksyon at kaligtasan ng mga kabataan, magpamahagi ng mahalagang impormasyon, magsagawa ng mga gawain upang protektahan ang mga kabataan mula sa pang-aabuso, at iba pa.
Noong nakaraang taon din, pinuna ni Gatchalian na 966 lamang sa mahigit 45,000 na mga pampublikong paaralan ang may aktibong mga CPCs.
Binigyang diin din ni Gatchalian na sa nakaraang dalawang round ng Programme for International Student Assessment (PISA), lumalabas na ang mga mag-aaral ng Pilipinas ang pinakamadalas na nakakaranas ng bullying.
# # #
