Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: Make Electricity More Affordable to Revive Economic Growth

Senate President Win Gatchalian called for urgent reforms to bring down electricity costs to help revive the Philippine economy amid its sluggish growth and growing exposure to global energy shocks.

“If we want to revitalize our economy and give real financial relief to Filipino families and small businesses, we need to bring down the cost of electricity,” Gatchalian said, stressing that the generation and system loss charges are pass-through costs on electricity bills that need transparency and justification,” Gatchalian said. 

It can be recalled that recent economic indicators showed that the country’s gross domestic product (GDP) grew by a dismal 2.3% in the second quarter. “The country’s reliance on imported oil exposes Filipinos to higher global energy prices that drive up fuel and electricity costs,” he added. 

Gatchalian earlier filed Senate Bill No. 2350, which seeks to prohibit distribution utilities from imposing system loss charges on consumers and remove the value-added tax on electricity sales. 

He also filed Senate Resolution No. 581 to look into the absence of regular fuel cost audits amid rising generation charges, aiming to strengthen regulatory oversight of the power generation sector. 


Gatchalian: Gawing Mas Abot-Kaya ang Singil sa Kuryente para sa Paglago ng Ekonomiya

Nanawagan si Senate President Win Gatchalian para sa mga agarang reporma upang mapababa ang singil sa kuryente at makatulong sa muling pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng mabagal na paglago nito at ang lumalaking banta mula sa mga pandaigdigang krisis sa enerhiya.

“Kung gusto nating pasiglahin muli ang ating ekonomiya at magbigay ng tunay na kaginhawaan sa mga pamilyang Pilipino at maliliit na negosyo, kailangan nating ibaba ang halaga ng kuryente,” ayon kay Gatchalian. Binigyang-diin din niya na ang mga singil sa generation at system loss ay mga pass-through cost sa bill sa kuryente na nangangailangan ng transparency at sapat na batayan.

Matatandaang batay sa mga pinakahuling economic indicators, lumago ng 2.3% lamang ang gross domestic product (GDP) ng bansa noong ikalawang quarter. “Dahil umaasa ang bansa sa imported na langis, mas exposed ang mga Pilipino sa pagtaas ng presyo ng enerhiya sa pandaigdigang merkado, na nagreresulta sa mas mataas na presyo ng gasolina at kuryente,” dagdag niya.

Nauna nang inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 2350 na naglalayong ipagbawal sa mga distribution utility ang pagpapataw ng singil sa system loss sa mga mamimili at alisin ang value-added tax (VAT) sa benta ng kuryente.

Inihain din niya ang Senate Resolution No. 581 upang siyasatin ang kawalan ng regular na pagsusuri o audit sa halaga ng gasolina sa gitna ng tumataas na singil sa generation, na may layuning palakasin ang pangangasiwa ng pamahalaan sa sektor ng power generation. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN